ONLINE REGISTRATION PLANO NG COMELEC SA SUSUNOD NA TAON

MAGPAPATUPAD ang Commission on Elections ng online registration para sa susunod na halalan para makaiwas sa dagsa ng mga magpaparehistro.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, electronic registration ang paraan ng komisyon para makapagparehistro online ang mga botante kung may maipapasang batas para rito.

Ang pahayag ni Garcia ay kasunod ng insidente kung saan may nahimatay o nabilad sa init ng araw dahil sa haba at dami ng voter registrants.

Pero paglilinaw ni Garcia, kinakailangan pa ring magtungo sa local offices ang mga nagparehistro online upang makuhanan ng litrato at biometrics.

“Tapos ‘pag nagpa-online ka automatically ‘yung mismong system magbibigay sa ‘yo ng date kung kailan ka pupunta sa local Comelec, ibig sabihin, hindi muna kailangan pa pumila pa para mai-submit ‘yung form para hindi na po napupuno ang registration site natin na nakapila para mag-submit ng papel,” ani Garcia.

Target ng Comelec na ipatupad ang online voter registration sa Oktubre para sa BSKE sa 2026 kung magiging batas ito, at sa presidential election sa 2028.

(JOCELYN DOMENDEN)

114

Related posts

Leave a Comment