HIGIT 2.8M NAGPATALA SA BSKE – COMELEC

KARAMIHAN sa mga bagong nakapagpatala para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections ay mga kabataan, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sa halos 2.8

(2,727,643) milyon na mga nagpalista para makaboto sa BSKE, nasa 65-67% ng mga nagpatala ay mga kabataan kabilang ang mga bagong botante.

Sinabi ni Garcia, pasok pa rin bilang botante ang mga nagparehistro maliban na lamang kung may reklamo laban sa kanila na ihahain sa Election Registration Board.

Giit pa ng Comelec, hindi nasayang ang pagpaparehistro ng mga botante sa nakalipas na 10 araw ng Agosto kahit pa maipagpaliban ang BSKE.

Naging matagumpay at pangkalahatang payapa ang registration period bagama’t may naitalang mga nahilo sa isang lugar dahil sa rami ng mga nagparehistro.

Sakali namang matuloy ang muling pagpapaliban ng BSKE, sinabi ni Garcia na magkakaroon muli ng pagpapatala sa ikatlong linggo ng Oktubre.

(JOCELYN DOMENDEN)

118

Related posts

Leave a Comment