19 TIMBOG, 29 ARMAS KUMPISKADO SA BARMM GUN BAN

gun ban21

UMABOT sa 19 na indibidwal ang naaresto ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region dahil sa paglabag sa umiiral na election gun ban kaugnay ng nalalapit na BARMM Parliamentary elections. Sa gun ban na ipinatupad simula noong Agosto 14, hanggang Setyembre 15, may kabuuang 19 na kasong paglabag ang naitala at 29 na iba’t ibang uri ng armas ang nakumpiska. Ayon kay PRO-BAR spokesperson Lt. Col. Jopy Ventura, kabilang dito ang operasyon sa Brgy. Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur, kung saan dalawa katao ang naaresto. Nakuha mula sa SUV ang…

Read More

IKA-127 ANIBERSARYO NG MALOLOS CONGRESS GINUNITA

PINANGUNAHAN ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang paggunita ng Ika-127 anibersaryo ng Kongreso ng Malolos sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos noong Lunes, Setyembre 15. “Nawa’y tiyakin natin na ang mga biyaya at yaman ng ating lalawigan ay nagagamit nang wasto para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Bulakenyo, dahil ang kalayaan ay walang kabuluhan kung hindi ito kaakibat ng pananagutan at pakikiramay.” Ito ang mensahe ni Sandiganbayan Associate Justice Theresa V. Mendoza-Arcega, ang panauhing pandangal sa nasabing pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa Unang Kongreso ng Pilipinas na…

Read More

DPWH Sec. Dizon dismayado FC PROJECT SA LA UNION, ‘SUPER SUBSTANDARD’

DISMAYADO si DPWH Sec. Vince Dizon sa kanyang pag-iinspeksyon sa mga proyekto ng gobyerno partikular ang flood control matapos madiskubre na “super substandard” ang materyales na ginamit sa mga proyekto sa Barangay Acao, Bauang, La Union. Bukod dito, nadiskubre rin ni Dizon na hindi pa tapos at ginagawa pa ang nasabing proyekto na ini-report nang “completed” noong Marso. Giit pa ng kalihim, tila “props” lamang at peke ang proyekto kung saan ikinabit lang ang mga materyales at mga tubo. Kaugnay nito, sinisiguro ni Sec. Dizon na pananagutin ang mga nasa…

Read More

Apela ng ilang Obispo TAAS-SINGIL SA NAIA SUSPENDIHIN

UMAPELA ang ilang Obispo sa mga opisyal ng gobyerno at pribadong concessionaire, ang New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC), na agad suspendihin ang pagpapatupad ng across-the board hike sa mga bayarin sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) epektibo Setyembre 14, at sa halip ay nanawagan para sa kung anong ‘tunay at inklusibong konsultasyon’ sa lahat ng stakeholder sa industriya ng aviation. Ginawa ang apela sa isang “Concelebrated Mass for Guidance, Truth, and Accountability for aviation industry officials,” sa Pasay City, na pinangunahan nina Bishops Ben Labor, Aldrin Lleva, at Agustino Tangca.…

Read More

KUMUHA NG 2025 BAR EXAMS PINAKAMATAAS SA KASAYSAYAN

INIHAYAG ng Korte Suprema na umabot sa 11,425 ang mga nakakumpleto sa tatlong araw na 2025 Bar Examinations. Ayon sa Korte Suprema, itong taon ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng Philippine Bar. Mula sa 13,193 admitted applicants, naitala rin ang record-breaking na 11,437 examinees na dumalo sa unang araw. Idinaos ang Bar Exams sa 14 local testing centers sa buong bansa, kabilang ang UST at San Beda sa Maynila, UP-BGC sa Taguig City, Ateneo de Manila sa Makati City, Saint Louis University sa Baguio, University of San Jose-Recoletos sa…

Read More

P189.73-M DROGA NASAMSAM NG PDEA

UMABOT sa P189.73 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na bunga ng ikinasang serye ng anti-narcotics operation nitong nagdaang linggo katuwang ang iba pang law enforcement agencies ng gobyerno. Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bukod sa bulto-bultong droga, nasa 98 drug personalities din ang kanilang nadakip mula Setyembre 5, hanggang Setyembre 12, 2025 na resulta ng 52 anti-illegal drug operations sa buong bansa. Sa pinagsama-samang ulat na ibinahagi ni Usec. Perez, mahigit isang kilo ng cocaine…

Read More

3 DAYS TRANSPORT STRIKE TUTUTUKAN NG PNP

TINIYAK kahapon ng Philippine National Police na masusi nilang tututukan ang ikinakasang 3 days transport strike na papuputukin ngayong araw, Setyembre 17, 2025, sa Metro Manila at maging sa iba’t ibang urban areas sa bansa. Bukod sa planong pagparalisa ng transport sectors sa sistema ng transportasyon bilang pakikiisa sa kampanya kontra korupsyon bunsod ng nabulgar na multibillion flood control anomaly, ay binabantayan din ng PNP ang ikinakasang malawakang kilos-protesta sa Luneta sa darating na Setyembre 21, 2025. Ayon kay Acting PNP chief, PLt. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ipinag-utos na…

Read More

PAGGAMIT NG BGC BOYS SA CASINO INIIMBESTIGAHAN NG AMLC, PAGCOR

NAGTUTULUNGAN na ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kaugnay sa imbestigasyon sa mga casino na nagagamit ng ilang DPWH officials sa maanomalyang flood control project. Sa budget hearing ng Committee on Finance para sa P333.1 million pondo ng AMLC sa 2026, kinwestyon ni Senator Raffy Tulfo kung posible ang sabwatan ng mga big-time player mula sa DPWH at mga tauhan ng casino para makapagsagawa ng money laundering. Sinabi ni AMLC executive director Matthew David na maaari itong mangyari at para masilip kung may ganitong…

Read More

QC Judge inireklamo sa SC: GROSS IGNORANCE OF THE LAW

Nasa alanganin ngayon si Judge Ralph Lee ng Quezon City RTC Branch 83 matapos ireklamo sa Korte Suprema dahil umano sa gross ignorance of the law at paglabag sa tamang proseso. Sa reklamo ni Manuel Siquian na inihain sa Judicial Integrity Board (JIB), iginiit niyang lumabag si Judge Lee sa tamang aplikasyon ng batas kaugnay ng kaso laban sa RS Dampa Express Corp. Batay sa records, naglabas ng Stay Order si Judge Lee noong Nobyembre 20, 2024 para pansamantalang pigilan ang Writ of Execution ng desisyon ng MTC Branch 34.…

Read More