MGA APEKTADO NG BAGYONG NANDO PATULOY SA PAGLIKAS

PATULOY ang isinasagawang evacuation and rescue operation sa mga apektado ng bagyong Nando sa Ilocos Sur at Cagayan. Katuwang ang BFP, inilikas ng PCG ang mga apektado sa Sta. Catalina, Ilocos Sur kabilang ang 37 pamilya o 80 residente mula sa Barangay Paratong, Cabittaogan, at Subec gamit ang ambulansya. Lahat ay dinala sa evacuation center upang maiwasan ang panganib. Samantala, sa Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan, nagsagawa ng house-to-house inspection ang Coast Guard Deployable Response Group (DRG). Natagpuan ang dalawang pamilya na binubuo ng walo katao, kabilang ang anim na…

Read More

P3.7-M MARIJUANA BINUNOT SA ILOCOS SUR

SA kabila ng banta ng paparating na bagyo noong Linggo, matagumpay na nagsagawa ng marijuana eradication ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I-ISPO), katuwang ang Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit at sa suporta ng Ilocos Sur 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMPC), sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-8:00 ng umaga nang pinasimulan ang pinagsanib na operasyon.…

Read More

MERALCO HANDANG TUMUGON SA POSIBLENG EPEKTO

HANDA 24/7. Nakahanda ang mga crew ng Meralco na tumugon sa anumang posibleng alalahanin sa serbisyo ng kuryente na maaaring idulot ng ulan dala ng Bagyong Nando. Makikita sa larawan ang mga crew ng Meralco na nagsasaayos ng mga pasilidad ng kuryente MAYNILA, PILIPINAS, 22 SETYEMBRE 2025—Nagpahayag ang Manila Electric Company (Meralco) ng kahandaan sa pagresponde sa anumang posibleng alalahanin sa serbisyo ng kuryente na maaaring idulot ng ulan dala ng Bagyong Nando (international name: Ragasa). Bilang paghahanda sa inaasahang pag-ulan dahil sa mas pinalakas na Habagat, nakatutok ang kumpanya…

Read More

MAAYOS NA SERBISYO NG KURYENTE

THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO SARAP pakinggan kapag may bawas-singil sa kuryente. Para bang napakagandang balita na may madaragdag sa budget para sa bigas, ulam o kaya naman sa pamasahe. Karamihan sa atin, umaaray sa buwanang bayarin sa kuryente — kahit na wala naman tayo pakialam kapag itinotodo natin ang paggamit ng ilaw o ng appliances natin sa bahay. Pero mas matindi ang suliranin kapag wala na ang kuryente. Sandaling brownout pa lang, marami sa atin hindi na mapakali. Paano ang trabahong dapat matapos o kaya ang pagdalo sa klase…

Read More

BANTAYAN IBABALIK NA PONDO SA PHILHEALTH

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA wakas, ibabalik na sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang P60 bilyong excess funds na kinuha patungo sa national treasury. Inanunsyo ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Santa Cruz, Maynila nitong Sabado. Anyare? Ano nakain? Nahimasmasan na ata ang Pangulo. Puwede naman talaga itama at ituwid ang mali kung ito ay sadya para sa taumbayan, partikular ang mga hikahos. Noon ay inilipat ang naturang excess funds sa National Treasury dahil hindi raw nagagamit. Parang naglipat…

Read More

PRINCESS JOY PLACEMENT & GENERAL SERVICES INC. WALANG AKSYON

OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG sumbong ang ipinahayag ng isang padre de pamilya matapos maranasan ng kanyang asawa, isang overseas Filipino worker (OFW), ang matinding pang-aabuso mula sa kanyang employer sa Riyadh, Saudi Arabia. Ayon kay Ginoong Romnick Aycardo, ang kanyang misis na si “Josa” (hindi tunay na pangalan), tubong South Daang Hari, Taguig City, ay mistulang alipin sa poder ng kanyang amo. Ayon sa salaysay, ang kinakain lamang umano ni Josa ay tira-tirang pagkain ng kanyang mga amo. Hindi lang ito—laging galit at masungit ang among…

Read More

WOMB TO WORK CARAVAN, MULING BINUHAY SA MUNTINLUPA!

TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG makabuluhang hakbang ang muling paglulunsad ng Womb to Work Program (WWP) Community Caravan sa Muntinlupa. Hindi lamang ito basta proyekto, kundi isang komprehensibong programa na tumutok sa kalusugan at kinabukasan ng bawat pamilya—mula sa sinapupunan hanggang sa oras na handa na ang mga anak na pumasok sa mundo ng trabaho. Mahalaga ang adbokasiyang ito ni Mayor Ruffy Biazon sapagka’t binibigyang halaga nito ang tatlong pundasyon ng isang matatag na komunidad: kalusugan, nutrisyon, at kabuhayan. Sinasabing sa pamamagitan ng iba’t ibang tanggapan ng lokal na…

Read More

SIMULA NA NG PANINGINGIL SA MGA MANDARAMBONG

SIMULA pa lamang ng paniningil sa mga magnanakaw sa gobyerno ang Trillion Peso March na isinagawa kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa, partikular sa EDSA People Power Monument at Luneta, na dinaluhan ng libu-libong Pilipino. Ito ang binigyang-diin ni Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na nagsabing hindi titigil ang mamamayan hanggang hindi napapanagot ang mga sangkot sa pagnanakaw ng pondo, hindi lang sa flood control projects kundi maging sa iba pang programa ng pamahalaan. “Eto ay simula pa lang ng ating martsa para sa pananagutan. Matagal nang hinahangad ng…

Read More

BBM-SARA HAHABULIN SA CAMPAIGN DONATION

HINAMON ng Makabayan bloc sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at Vice President Sara Duterte na isapubliko ang lahat ng natanggap nilang campaign donations sa mga kontratista na may proyekto sa gobyerno. Kasabay nito, sinabi nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Kabataan Rep. Renee Louise Co At Gabriela party-list Rep. Sarah Elago na dapat panagutin din ang dalawang pinakataas na lider ng bansa sa paglabag ng mga ito sa election laws. Ginawa ng mga nabanggit na mambabatas ang pahayag kasunod ng expose’ ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na…

Read More