KUNG may bully umano sa isyu ng pagtapyas ng Kamara sa pondo ng Office of the Vice President (OVP), hindi ito ang Kongreso kundi mismo si Vice President Sara Duterte, ayon kay Akbayan Rep. Perci Cendaña. Tugon ito ni Cendaña sa pahayag ni Pwersa ng Pilipinong Pandagat (PPP) Rep. Harold Duterte, pinsan ng bise presidente, na tinawag na “bullying disguised as governance” ang ginawang pagbawas ng Kamara sa budget ng OVP. “Linawin natin kung sino ang bully dito. Siya ang nagsabi ng ‘ay di ako pupunta d’yan kung walang masunod…
Read MoreDay: October 12, 2025
CIA IDINAWIT NI PULONG SA ‘KIDNAPPING’ KAY DU30
IDINAWIT ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos sa aniya’y kidnapping ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang pananalita noong isang linggo, sinabi ng batang Duterte na mananagot ang mga sangkot sa kidnapping ng ama matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang interim release ni Du30 kaya mananatili ito sa kulungan sa The Hague, Netherlands. “This decision is a gross and disgraceful miscarriage of justice. It is not law — it is a political theater,” ayon sa mambabatas na…
Read MoreSa P243.2-B unprogrammed funds ‘PORK FIESTA’ SA MARCOS ADMIN TULOY SA 2026
TULOY ang “pista” ng gobyernong Marcos Jr. sa pork barrel sa susunod na taon matapos tablahin ng liderato ng Mababang Kapulungan ang panukala ng oposisyon na burahin sa 2026 national budget ang unprogrammed appropriations (UA) — o ang tinatawag na “pork fund” ng mga makapangyarihan. Ngayong araw, Oktubre 13, inaasahang isasalang sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 4058 o 2026 House General Appropriations Bill (HGAB) matapos itong aprubahan sa ikalawang pagbasa nitong Biyernes. Natalo sa viva voce voting ang oposisyon — kabilang ang Makabayan bloc at Liberal Party…
Read MorePAGSIKIL SA PDP MAPANGANIB – SPOX
NAGBABALA si deputy spokesman Atty. Ferdinand Topacio laban sa pagtatangka na sikilin ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) na aniya’y “mapanganib” at maaaring magresulta sa karahasan. Ito ay makaraan niyang ideklara ang PDP bilang bagong kinikilalang oposisyon sa bansa. Ginawa ni Topacio ang pahayag sa “MACHRA Balitaan” news forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) na ginanap sa Century Seafood Restaurant sa Malate, Manila kamakailan. Ayon kay Topacio, ang anomang pagtatangka na pigilan ang isang lehitimong partidong oposisyon ay lubhang mapanganib para sa gobyerno. Binanggit ng abogado ang pagtatangkang iugnay…
Read MoreBARKO NG BFAR, BINANGGA NG CHINA COAST GUARD
ISANG barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang intentional na binangga ng isang China Coast Guard ship habang ginagamitan ng water canon sa West Philippine Sea, ayon sa Philippine Coast Guard kahapon. Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the West Philippine Sea, isang China Coast Guard vessel ang “deliberately rammed” ang stern portion ng BRP Datu Pagbuaya na naging sanhi ng minor structural damage at mapalad na walang nasaktan sa mga crew nito. Nabatid na ang BRP Datu Pagbuaya at dalawa pang Bureau of Fisheries and…
Read MorePara sa mga biktima ng lindol U.S. GOVERNMENT NAGPADALA NG 137 LIBONG FOOD PACKS
NASA 137,000 food packs at limang daang emergency shelter kits ang ipinadala ng United States para sa mga biktima ng magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Davao Oriental, ayon kay US Ambassador MaryKay Carlson. Sa kanyang social media post sa X, inihayag ni Amb. Carlson na ang tulong ay bahagi ng “#EDCAinAction” sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement at isinasagawa kasama ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). “My heart goes out to all those affected by the Mindanao earthquake and recent natural disasters,” ayon sa US envoy. Bukod…
Read MoreP214.4-M COCAINE NASABAT NG PHILIPPINE NAVY
DALAWANG sako ng hinihinalang cocaine na tinatayang may street value na aabot sa P214.4 million, ang na-recover ng mga tauhan ng Philippine Navy na nakatalaga sa BRP Ladislao Diwa (PS-178). Ayon sa ulat na ipinarating sa punong himpilan ng Philippine Navy, may 36 bricks ng pinaniniwalaang cocaine ang nasabat ng mga tauhan ng BRP Ladislao Diwa (PS-178) na nasa ilalim ng operational control ng Western Naval Command (WNC). Sinasabing habang nagsasagawa ng maritime security patrol ay namataan nila ang dalawang sako na palutang-lutang, may 1.2 nautical miles southeast ng Piedras…
Read MorePUBLIKO BINALAAN SA SOCMED PREDICTIONS SA LINDOL
NAGBABALA ang Department of Science and Technology–Phivolcs laban sa mga kumakalat na social media predictions tungkol sa umano’y paparating na malakas na lindol. Ayon sa ahensya, wala pang teknolohiya na kayang hulaan kung kailan at saan tatama ang lindol. “Walang koneksyon ang mga lindol sa Luzon, Visayas, at Mindanao. May kanya-kanyang fault system ang mga ito,” paliwanag ni Johnlery Deximo, senior science research specialist ng Phivolcs. “Ang mga kumakalat na prediction ng magnitude 8 o 9 na lindol ay walang katotohanan,” dagdag niya. Babala ng Phivolcs, ang pagpapakalat ng hindi…
Read MoreSa ulat na nagwala si Villar FLOOD CONTROL PROBE ISAPUBLIKO NA – SOLONS
LALONG umigting ang panawagan ng mga mambabatas na isapubliko ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kanilang pagdinig kaugnay ng mga anomalya sa flood control projects, matapos ang ulat na nagwala umano si Sen. Mark Villar sa isang closed-door hearing. Hamon nina Rep. Mark Anthony Santos at Rep. Leila de Lima, sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang imbestigasyon nito sa mga anomalya sa flood control projects. Ayon kay Santos, “Dapat transparent ang ICI. Pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, kaya may karapatan ang publiko na malaman ang katotohanan.”…
Read More