IDINAWIT ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang Central Intelligence Agency (CIA) ng Estados Unidos sa aniya’y kidnapping ng amang si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang pananalita noong isang linggo, sinabi ng batang Duterte na mananagot ang mga sangkot sa kidnapping ng ama matapos ibasura ng International Criminal Court (ICC) ang interim release ni Du30 kaya mananatili ito sa kulungan sa The Hague, Netherlands.
“This decision is a gross and disgraceful miscarriage of justice. It is not law — it is a political theater,” ayon sa mambabatas na bagama’t wala na sa kapangyarihan ang kanyang 80-anyos na ama ay patuloy itong pino-prosecute umano.
Itinanggi ng batang Duterte na flight risk ang ama na labis aniyang minamahal sa kanyang bansa at wala aniya itong ibang nais kundi manatili sa Pilipinas habang siya ay buhay.
“To all kidnappers of my father I will make sure that you will pay for this crime that you have committed. To the CIA who connived in this criminal act, my father’s kidnapping will not silence him.
As a matter of fact, you might just have helped in making him a martyr. The anger of his people on his baseless imprisonment might just worsen just as their love for him will grow bigger,” ani Rep. Duterte.
Samantala, sinabi ni Rep. Leila de Lima na inaasahan na ang desisyon ng ICC dahil sa bigat ng ebidensiya laban sa dating Pangulo. Aniya, “Ang ICC ay hindi magpapakita ng pabor. Ang batas ay batas, at ang katarungan ay mananatiling mananaig.”
(BERNARD TAGUINOD)
189 