MANILA HEALTH DEPARTMENT NAGSAGAWA NG QUAKE DRILL

BILANG paghahanda sa “The Big One”, nagkasa ng earthquake drill ang Manila Health Department (MHD) nitong Miyerkoles. Kasunod ito sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso na magsagawa ng sabayang earthquake drill sa posibleng pagtama ng malakas na lindol sa Metro Manila. Maingat na lumikas mula sa kanilang opisina ang mga empleyado palabas ng gusali at nanatili sa open space. Ayon sa MHD, layon ng pagsasanay na matiyak na masusunod ang emergency protocol at magkatugon nang tama ang mga empleyado sa paglikas kung sakaling biglang lumindol. (JOCELYN DOMENDEN) 60

Read More

EX-PNP CHIEF ACORDA, BAGONG PAOCC EXECUTIVE DIRECTOR

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si dating Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda Jr. bilang executive director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Papalitan ni Acorda si Undersecretary Gilbert Cruz, na dating nagsilbi rin bilang PNP Academy (PNPA) chief bago italaga sa PAOCC noong Enero 2023. Matatandaang pinamunuan ni Acorda ang PNP mula Abril 2023 hanggang Marso 2024. Isa siyang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Sambisig” Class of 1991 at nagsilbi rin bilang director ng PNP Directorate for Intelligence bago maging hepe ng pambansang pulisya.…

Read More

GARCIA NAG-INHIBIT SA IMBESTIGASYON VS ESCUDERO

NAG-INHIBIT si Comelec Chairman Erwin George Garcia sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng isyu sa umano’y pagtanggap ni Senator Francis Escudero ng P30 milyong campaign donation noong 2022 mula sa isang government contractor, na malinaw na ipinagbabawal sa ilalim ng Section 95 ng Omnibus Election Code. Ayon kay Garcia, ipinauubaya niya sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Comelec na siyang nakatoka sa data gathering at fact-finding, ang pagpapasya kung itutuloy ang kaso laban kay Escudero. Ipauubaya rin ng Comelec sa nasabing opisina kung kakasuhan ang government contractor na…

Read More

COMELEC HIHIRIT NG P1.3-B DAGDAG PONDO PARA SA 2026 BARMM ELECTION

HIHIRIT ang Commission on Elections sa Senate Committee on Finance ng karagdagang P1.3 bilyon para matuloy ang BARMM Parliamentary Elections sa 2026. Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, natapos na ang deliberasyon sa Kamara kaya hindi na naihabol ng komisyon ang karagdagang pondo sa plenaryo. Umaasa si Garcia na maihahabol pa nila ang hinihiling na pondo, lalo na’t P1.2 bilyon ang nasayang na pondo ng taumbayan, kung saan kalahating bilyong piso ang nagastos sa pag-imprenta ng mga balota. Ito ay matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa batas…

Read More

CHAIRMAN NG ETHICS COM NIRESBAKAN NI CONGMEOW

MATAPOS simulan ng House Committee on Ethics and Privileges ang pagdinig sa reklamo laban sa kanya, niresbakan agad ni Cavite Rep. Francisco “Kiko” Barzaga ang chairman ng komite na si 4Ps party-list Rep. Jonathan Clemente (JC) Abalos. Sa isang social media post, ibinunyag ni Barzaga na ang reklamo ay inihain laban sa kanya ng mga miyembro ng National Unity Party (NUP) sa pangunguna ni Antipolo Rep. Ronaldo Puno. “I still stand with a firm belief that my actions against the corrupt Marcos administration are righteous, and that our country will…

Read More

Bayanihan para sa Cebu: FPJ YOUTH NAGHATID NG TULONG SA MGA BIKTIMA NG LINDOL

L-R:  Mr. Ruben Licera, Sugbo News and Cebu People’s Action Center Head;  Atty. Resti Arnaiz, Cebu Emergency Operations Center Manager; Jaycen Franco, FPJ Youth National President; at  Mr. Rodrigo Tanza Jr.,  Cebu Emergency Operations Center Co-Manager MANILA – Nag-abot ng tulong ang FPJ Youth nitong Martes, Oktubre 14, sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu para sa mga naapektuhan ng malakas na lindol at libo-libong aftershocks sa lalawigan. Sa pangunguna ng FPJ Panday Bayanihan Party-List, nagdala ang grupo ng mga kabataan ng 5,000 kilo ng bigas, mga tolda, at isang generator — mga kagamitang kailangan…

Read More

Ayaw na makipagtulungan sa ICI DISCAYAS MISTULANG UMAMIN NA GUILTY

LALO umanong pinabilis ng mag-asawang Pacifico “Curlee” at Sarah Discaya ang “guilty verdict” sa kanila ng publiko matapos nilang tumangging makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ayon kay Akbayan party-list Rep. Perce Cendaña, ang desisyong ito ng mga Discaya ay malinaw na indikasyon ng pag-amin. “Non-cooperation is admission. Mas pinapabilis lang ng mga Discaya ang hatol sa kanila ng taumbayan — guilty!” ani Cendaña. Kinumpirma ni ICI spokesperson Atty. Brian Keith Hosaka nitong Miyerkoles na hindi na makikipag-cooperate ang mag-asawang kontraktor sa imbestigasyon kaugnay ng maanomalyang flood control projects.…

Read More

Unang maglalabas ng SALN SPEAKER DY: LEAD BY EXAMPLE TAYO!

HANDA umano si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na pangunahan ang pagsasapubliko ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) — isang hakbang na matagal nang hinihiling ng publiko bilang sukatan ng transparency at integridad ng mga opisyal ng gobyerno. “Kung kinakailangan, siyempre lead by example tayo,” ani Dy sa isang panayam kahapon, kasunod ng pag-alis ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla sa mga restriksyon sa SALN na unang ipinatupad ni dating Ombudsman Samuel Martires. Ayon kay Dy, lahat ng miyembro ng 20th Congress ay bukas sa…

Read More

LTFRB CHAIR MENDOZA, TRANSPORT LEADERS NAGPULONG PARA SA MAS MAAYOS NA SISTEMA

NAKIPAGPULONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga transport operator na pinangungunahan ni Obet Martin, Presidente ng Pasang Masda, noong Oktubre 14, 2025, sa Quezon City. Layunin ng pagpupulong na pakinggan ang mga hinaing, talakayin ang mga mungkahi, at bumuo ng mga konkretong hakbang para mapabuti ang kalagayan ng mga operator at mapaayos pa ang sistema ng pampublikong transportasyon. Sa pulong, muling tiniyak ni Chairperson Mendoza ang kanyang pangako na paigtingin at paikliin ang proseso ng pag-aasikaso ng mga dokumento ng…

Read More