GARCIA NAG-INHIBIT SA IMBESTIGASYON VS ESCUDERO

NAG-INHIBIT si Comelec Chairman Erwin George Garcia sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay ng isyu sa umano’y pagtanggap ni Senator Francis Escudero ng P30 milyong campaign donation noong 2022 mula sa isang government contractor, na malinaw na ipinagbabawal sa ilalim ng Section 95 ng Omnibus Election Code.

Ayon kay Garcia, ipinauubaya niya sa Political Finance and Affairs Department (PFAD) ng Comelec na siyang nakatoka sa data gathering at fact-finding, ang pagpapasya kung itutuloy ang kaso laban kay Escudero.

Ipauubaya rin ng Comelec sa nasabing opisina kung kakasuhan ang government contractor na si Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Corporation, na umaming nagbigay ng donasyon kay Escudero.

Matatandaang sinabi ng senador sa kanyang affidavit na ang natanggap niyang donasyon ay private fund mula kay Lubiano bilang isang kaibigan at legal ang naturang donasyon.

Ayon kay Garcia, titimbangin ng PFAD kung lumabag si Escudero o kung nakapagbigay siya ng sapat na ebidensya para hindi masampahan ng kasong kriminal.

(JOCELYN DOMENDEN)

65

Related posts

Leave a Comment