RAPIDO ni PATRICK TULFO PATULOY po ang dagsa ng mga mensaheng aming natatanggap mula sa mga kababayan natin na nabiktima ng Makati Express Cargo, at sa pinakahuling panayam natin kay Asst. Comm. at tagapagsalita ng Bureau of Customs, sinabi nito na target nilang mailabas ang unang batch ng mga container ng Makati Express Cargo ngayong Disyembre. Muli rin namin itinanong kay Atty. Maronilla, ang suspensyon ng akreditasyon ng naturang cargo company, at kinumpirma nito na suspendido ang Makati Express Cargo ng animnapung araw (60) dahil sa pag-abandona ng 90 containers…
Read MoreDay: November 6, 2025
MABIGAT NA PASOK NG NOBYEMBRE AT KWENTONG BUWAYA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Oktubre — buwan ng lindol, baha, at eskandalo. Ilang ulit tayong niyugyog ng kalikasan, pero mas malakas pa rin ang pagyanig ng mga katiwalian sa flood control projects na hanggang ngayon ay bumabayo sa tiwala ng taumbayan. Nobyembre na. Lapit na ng Pasko, pero parang ang himig ng buwan ay hindi “Jingle Bells” kundi “Dagdag Presyo Na Naman.” Kahit hindi pa dumarating ang kasiyahan ng Kapaskuhan, marami na ang humihinga nang malalim sa bigat ng gastusin at pagod sa araw-araw. Tapos na ang…
Read MoreMAY SAKIT NA OFW HUMIHINGI NG TULONG PARA MAKAUWI
OFW JUAN ni DR. CHIE LEAGUE UMANDAP ISANG panawagan ng tulong ang ipinaaabot ng pamilya ni Delia Siacor, isang overseas Filipino worker (OFW) na kasalukuyang nagtatrabaho bilang domestic helper sa bansang Bahrain, makaraang lumala ang kanyang almoranas (hemorrhoids) na nagdudulot ng labis na kirot at hirap sa paggalaw. Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng kanyang hipag na si Evangeline Secang Siacor ng Sitio Elnama, Barangay Polonuling, Tupi, South Cotabato, si Delia ay nahihirapang umupo, maglakad, at dumumi, at sa ngayon ay dumudugo tuwing dumudumi dahil sa lumalalang kondisyon. Nais na…
Read MoreSTORM
HOPE ni GUILLER VALENCIA SORRY to hear sa pangyayari sa nagdaang Typhoon Tino. Halos 49,000 ang affected families at tinatayang 31.3 million pesos fund ang nagastos sa humanitarian aid sa Bicol, Western Visayas, Eastern Visayas and Caraga. More than that, ang dalamhati, hinagpis, at sama ng loob dahil sa pagkawala ng tahanan at kabuhayan. We could imagine, gaano kahirap ang ganoong karanasan na dinanas ng ating mga kababayang naapektuhan ng trahedyang ito. How to console them? Of course, we have to help them by giving money, food, clothes and others.…
Read MoreTULONG NA WALANG PATID AT SERBISYONG ABOT-KAMAY MULA SA PCSO
TARGET ni KA REX CAYANONG ISANG malinaw na patunay ng tunay na malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino ang pakikiisa ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa programang Lab for All sa Tanza, Cavite nitong Nobyembre 4. Sa pangunguna nina PCSO General Manager Mel Robles at Chairman Felix Reyes, kasama sina Directors Jennifer Guevara at Janet Mercado, mahigit 1,500 Charitimba ang naipamahagi. Isa itong konkretong tulong para sa mga pamilyang nangangailangan ng kaagapay sa kalusugan at pang-araw-araw na buhay. Hindi lingid sa publiko ang malaking layunin ng Lab for All,…
Read MoreTAUMBAYAN ‘PINAIIKOT’ NG KAMPO NI ZALDY CO
LALONG ginagalit ng kampo ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang taumbayan, ayon kay Navotas Rep. Toby Tiangco, matapos ang online press conference kahapon kung saan iginiit ng abogado ni Co na si Atty. Ruy Rondain na may banta umano sa buhay ng kanyang kliyente kaya hindi ito makauwi sa bansa. “One thing is very clear sa kanyang statement na walang balak si former Congressman Zaldy Co para harapin yung mga kaso niya. Yung maliwanag na maliwanag…dati ko nang sinasabi yun,” ani Tiangco. Ayon kay Tiangco, malinaw na…
Read MorePAG-IIMBESTIGA SA PINSALA NG QUARRY SA CEBU IPINASA SA DENR
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang imbestigasyon sa mga alegasyon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) na ang matinding pinsalang idinulot ng Bagyong Tino sa Cebu ay resulta umano ng walang habas na quarrying, na pinalala pa ng korupsyon at kapabayaan ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, alam na ng DENR ang dapat gawin kaya hindi na kailangang iutos pa ni Pangulong Marcos ang pagsisiyasat sa ganitong klaseng sitwasyon. “Sa ngayon po ay wala pa…
Read MorePOLONG SA ICI: TIGILAN PAGPAPADALA NG POLITICAL OPERATORS SA DAVAO CITY
HINDI itinago ni Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte ang galit sa umano’y exposé ni ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio hinggil sa mga kwestiyonableng flood control projects sa Davao City maging ang pag-iikot ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa kanilang lungsod. Ayon kay Duterte, tila ginagawang “target” ang Davao City habang pinalalampas umano ang ghost projects sa Ilocos Norte, distrito ni House Majority Leader Sandro Marcos, anak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “And to the ICI: stop pretending this is a “national audit” when you keep flying…
Read MoreMAS MATAAS NA PONDO SA EDUKASYON, INOBASYON ISINUSULONG NI VILLAR
MAYNILA — Isinusulong ni Senadora Camille A. Villar ang mas mataas na pondo para sa edukasyon at inobasyon upang maihanda ang bagong henerasyon ng mga kabataang Pilipino na maging bihasa sa larangan ng agham at teknolohiya. Pinangungunahan ni Villar ang pagtalakay sa panukalang 2026 budget ng Department of Science and Technology (DOST) at mga attached agencies nito, kabilang ang Philippine Space Agency (PhilSA). Isa sa mga pangunahing tinututukan ng senadora ay ang pagpapalawak ng mga scholarship program at pagpapatibay ng mga inisyatibong magpapalakas sa inobasyon at pananaliksik sa hanay ng…
Read More