KASADO na ang disaster response team ng Rizal Police Provincial Office (PPO) bilang paghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan na may potensyal na maging isang super typhoon. Pinangunahan ni PCol. Feloteo Gonzalgo, provincial director ng Rizal PNP, ang isinagawang programa para sa disaster preparedness sa Camp MGen. Licerio Geronimo sa Taytay, Rizal, nitong Linggo ng umaga. Kalakip sa nasabing programa ang pre-disaster risk assessment, koordinasyon sa local government units (LGUs) at pagbuo ng mga disaster risk reduction council. Sa kanyang pahayag sinabi ni Gonzalgo, kailangan nilang maging proactive sa mga…
Read MoreDay: November 9, 2025
Isa na patay kay Super Typhoon Uwan TINO DEATH TOLL UMAKYAT NA SA 224
MAY nag-buenamano nang reported dead dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa Catbalogan, Samar nitong Linggo habang umakyat naman sa 224 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino. Ang nasawi ay isang 54-anyos na babae sa Barangay 3 Poblacion, ayon sa ulat na ibinahagi ni Catbalogan City Disaster Risk Reduction and Management Office officer Juniel Tagarino. Papunta na sana ang biktima sa evacuation center nang biglang may binalikan ito sa kanilang bahay at habang pabalik ay nabali umano ang tulay na dinaraanan nito kaya nahulog siya sa…
Read MorePAGHAHANDA SA BAGYO PINAIGTING NG MANILA LGU
INATASAN ni Manila City Mayor Francisco “Isko” Moreno-Domagoso ang lahat ng departamento na paigtingin ang mga paghahanda sa pagdating ng Bagyong Uwan. Sa direktiba ng alkalde, inanunsyo ni Manila Health Department (MHD) chief at City Health Officer, Dr. Grace Padilla na ang pitong ospital ng lungsod ay inilagay na sa Code White simula hatinggabi ng Nobyembre 9, Linggo, para matiyak ang kahandaang medikal. Sinabi ni Padilla, may 25,000 na kapsula ng doxycycline na magagamit at ipamamahagi sa mga health center at opisina para maiwasan ang mga posibleng impeksyon dulot ng…
Read More36 EVACUATION CENTERS SA MARIKINA HANDA NA
NAKAHANDA na ang 36 evacuation centers ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina bilang paghahanda sa Bagyong #UwanPH na inaasahang magiging super typhoon at magdadala ng malakas na buhos ng ulan, hindi lamang sa Kalakhang Maynila kundi maging sa kalapit na mga lalawigan. Iniutos na rin ni Mayor Marjorie Ann Teodoro ang mabilisang paglilinis ng mga imburnal at kanal ganoon din ang paglilinis at pag-alis ng mga bara sa mga creek at iba pang lagusan ng tubig. Nagsasagawa na rin ng malawakang declogging operations ang City Engineering Office samantalang…
Read MoreMARCOS NAGDEKLARA NG 1-YEAR STATE OF CALAMITY KASUNOD NG BAGYONG TINO
NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng one-year state of national calamity para mas mapabilis ang rescue, relief, recovery, at rehabilitation efforts kasunod ng malawakang pinsala dulot ng Bagyong Tino. Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 1077 noong Nobyembre 5 at isinapubliko noong Sabado, Nobyembre 8. Layunin nito na mas bilisan at mas koordinado ang paghahatid ng tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor sa mga apektadong lugar. Kasama sa kapangyarihan ng proklamasyon ang agarang pagpapatupad ng remedial measures, tulad ng: Price ceiling sa mga pangunahing bilihin at basic necessities…
Read MorePINAIIMBESTIGAHAN SA DSWD NI SEN. E. TULFO: DISKRIMINASYON SA PAGBIBIGAY NG AYUDA SA BARANGAY SA CEBU
NANAWAGAN si Senate Social Justice Committee Chairman Erwin Tulfo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na siguraduhing makatanggap ng tama at nararapat na tulong mula sa pamahalaan ang mga biktima ng Bagyong Tino sa gitna ng mga ulat ng umano’y diskriminasyon sa Cebu. “Nakakalungkot at nakakagalit ang mga balitang may ilang barangay personnel sa Cebu na namimili lang kung sino ang bibigyan ng ayuda na biktima ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu. Hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari ang ganitong insidente, at nakakadismaya na patuloy na…
Read MoreSC APRUB SA BAGONG PATAKARAN: MALINAW NA RULES SA CLASS AT COURT SUSPENSIONS TUWING KALAMIDAD
INAPRUBAHAN ng Korte Suprema ang mga bagong alituntunin para sa pagsuspinde ng pasok at operasyon ng mga trial court tuwing may kalamidad, transport strike, o iba pang aberya. Sa isang resolusyon na may petsang Oktubre 28, pinagtibay ng SC en banc ang guidelines na magtitiyak ng malinaw at uniform na proseso ng suspensyon alinsunod sa Strategic Plan for Judicial Innovations (SPJI) 2022–2027, na layong palakasin ang kahusayan sa pamamagitan ng mas desentralisadong pamamahala ng mga korte. Sa ilalim ng bagong sistema, papayagan na ang limitadong delegasyon ng kapangyarihang magsuspinde sa…
Read MorePNP naka-full alert sa paglapit ng bagyong ‘Uwan’
HABANG naghahanda ang bansa sa posibleng pananalasa ng Tropical Storm Fung-Wong — na papangalanang “Uwan” pagpasok nito sa Philippine Area of Responsibility — tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ang buong pwersa sa pagtugon, lalo na sa mga lugar na posibleng tamaan ngayong weekend. Ayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa patnubay ng Department of the Interior and Local Government (DILG), nakikipag-ugnayan na ang PNP sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya para tiyakin ang kaligtasan ng publiko. Iniutos ni Acting PNP…
Read MoreBGen. Nicolas, bagong Wing Commander ng 1st Air Force Wing Reserve
Pormal nang sinalubong si Brigadier General Elmer Nicolas, PAF (RES), bilang bagong Wing Commander ng 1st Air Force Wing Reserve sa isang marangyang seremonya sa Philippine Air Force 1st Air Force Reserve Command. Pinangunahan ng mga cadet officers ng PATTS College of Aeronautics ang seremonyal na pagsalubong bilang pagkilala sa kanyang bagong tungkulin. Kasunod nito, isinagawa ang formal guest book signing kasama si LTC Glenn Ventura, PAF (GSC), bilang opisyal na pagkilala sa panunungkulan ni BGen. Nicolas. Sinundan ito ng maikling programa at unit briefing kung saan tinalakay ang mga…
Read More