Isa na patay kay Super Typhoon Uwan TINO DEATH TOLL UMAKYAT NA SA 224

MAY nag-buenamano nang reported dead dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Uwan sa Catbalogan, Samar nitong Linggo habang umakyat naman sa 224 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Bagyong Tino.

Ang nasawi ay isang 54-anyos na babae sa Barangay 3 Poblacion, ayon sa ulat na ibinahagi ni Catbalogan City Disaster Risk Reduction and Management Office officer Juniel Tagarino.

Papunta na sana ang biktima sa evacuation center nang biglang may binalikan ito sa kanilang bahay at habang pabalik ay nabali umano ang tulay na dinaraanan nito kaya nahulog siya sa tubig dahilan para tangayin ito at malunod.

Samantala, umakyat naman sa 224 ang death toll mula sa Typhoon Tino at nangunguna pa rin ang Cebu Province na siyang nasapol ng pagkawasak dala ng bagyo.

“As of 6 a.m. Sunday, 158 of the 224 deaths were reported in Cebu province, 27 in Negros Occidental, 20 in Negros Oriental, eight in Caraga, three in Capiz, two each in Leyte and Southern Leyte, and one each in Antique, Iloilo, Guimaras, and Bohol,” ayon sa tagapagsalita ng Office of Civil Defense.

Habang nasa 109 naman ang naitalang nawawala at 526 ang nasaktan.

(JESSE RUIZ)

94

Related posts

Leave a Comment