DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong nagpapalala sa kalamidad na ang mga ordinaryong mamamayan ang nabibiktima, ay ang corrupt officials mula noon hanggang ngayon, at kagahamanan ng maimpluwensyang mga negosyante na kasabwat ang government officials. Isang matibay na halimbawa rito ang kalamidad na naranasan ng mga Cebuano at Negrenses nang manalasa ang Bagyong Tino noong mga unang araw ng November, na maliwanag na bunga ng corruption at pagkagahaman. Laging magkadugtong ang katiwalian ng mga taong gobyerno at kagahaman ng mga negosyante o pribadong mga tao na nagdudulot ng matinding kalamidad…
Read MoreDay: November 10, 2025
KALAMIDAD NA ANG NAGPAPATUNAY, NAKAMAMATAY ANG KORUPSYON
PUNA ni JOEL O. AMONGO KALAMIDAD na mismo ang nagpapakita o nagpapaalala na dapat tigilan ng mga nasa gobyerno ang kanilang pagsalaula sa kalikasan at pagnanakaw sa kaban ng bayan. Iba ang ganti ng kalikasan, walang makapipigil at walang magagawa ang mga tao, pero maaaring maibsan ang tama nito depende sa mga tao rin. Tulad ng pananalasa ng Bagyong Tino nitong nakaraan, sa komunidad na mismo ng Cebu City dumaloy ang tubig-baha na may dalang naglalakihang mga bato, punong kahoy at iba pa na humambalang sa gitna ng nasabing siyudad…
Read MoreAMA SALAMAT NA PINAHINA MO ANG BAGYONG UWAN
AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS PINASASALAMATAN natin ang Amang nasa langit na bagama’t napakalawak at napakalakas ng Bagyong Uwan ay walang masyadong nagbuwis ng buhay sa ating mga kababayan sa iba’t ibang lugar na sinalanta nito. Sana ay hindi na madagdagan pa ang naiulat ng Office of Civil Defense (OCD) na dalawa katao lang ang nagbuwis ng buhay sa pananalasa ng Bagyong Uwan sa nakalipas na mga oras. Kung pagbabasehan natin ang reports ng weather agencies ng bansa, ang lawak ng sakop ng Bagyong Uwan ay mula Surigao sa…
Read MorePAGWASAK SA KALIKASAN, PAGWASAK SA BUHAY
EDITORIAL TUWING may bagyong dumaraan sa Pilipinas, pare-pareho ang balita — mga bahay na nilulubog ng baha, mga bundok na gumuho, at mga pamilyang nawawalan ng tahanan sa isang iglap. Ngunit sa likod ng mga trahedyang ito, may mas malalim na dahilan: ang unti-unting pagkasira ng ating kalikasan dahil sa sobrang pagku-quarry at pagkakalbo ng kagubatan. Ang mga pagbaha ay hindi lamang likha ng kalikasan, kundi bunga rin ng kasakiman ng tao. Sa iba’t ibang lalawigan, ang mga bundok na dating luntian ay ngayo’y kalbo at sugatan. Kinayod ng quarrying…
Read MoreTinulugan oversight comm sa Senado SOLON: KALIKASAN BIGONG PROTEKTAHAN NG MGA VILLAR
HINDI gumana sa loob ng siyam (9) na taon ang environmental oversight sa Senado sa ilalim ng pamumuno ni dating Sen. Cynthia Villar sa dalawang mahalagang komite na proportekta sana sa kalikasan. Ito ang reklamo ni Las Pinas Rep. Mark Anthony Santos na nagangambang hindi pa rin gagana ang oversight power ng Senado sa kapaligiran dahil ipinasa lamang kay Sen. Camille Villar ang pamumuno sa Senate committee on Environment, Natural Resources at Committee on Climate Change na pinamunuan ng kanyang inang si Cynthia sa nakaraang 9 na taon. “For nine…
Read MoreIsinabay sa bagyo KELOT TINADTAD NG BALA SA QUEZON
QUEZON – Sa gitna ng masamang panahon at pananalasa ng Bagyong Uwan, isang lalaki ang namatay matapos umanong ratratin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Sitio Mahal na Señor, Barangay Sta. Catalina Norte, sa bayan ng Candelaria sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw, Nobyembre 9. Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa pangalang “Danilo”, 41-anyos, residente ng Brgy. Malabanban Norte sa nasabing bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:45 ng umaga nang madiskubre ng isang residente ang wala nang buhay na biktima sa tabi ng isang motorsiklo.…
Read MoreSUNOG SA GITNA NG BAGYO, MAGLOLA PATAY
EASTERN SAMAR – Habang hinahagupit ng Super Typhoon Uwan ang malaking bahagi ng Pilipinas, isang sunog ang naganap sa gitna ng bagyo na ikinamatay ng maglola na na-trap sa nasusunog nilang bahay nitong Lunes ng umaga sa Borongan City sa lalawigan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, posibleng napabayaang kandila ang pinagmulan ng sunog dahil walang kuryente sa malaking bahagi ng Borongan bunsod ng pananalasa ng Typhoon “Uwan” (International name: Fung-Wong). Idineklarang dead on arrival sa pagamutan ng 73-anyos na lola at ang dalagang apo nito…
Read MoreHIGIT 6K PAMILYA SA RIZAL INILIKAS
RIZAL – May kabuuang 6,809 pamilya o 26,562 indibidwal ang inilikas bunsod ng malakas na hangin at ulan dala ng Bagyong Uwan, batay sa huling tala (10:52AM) ng Critical Incident Monitoring Action Team (CIMAT) nitong Lunes. Sa 457 evacuation centers na binuo ng pamahalaang panlalawigan, Rizal PNP at iba pang ahensya, 196 sa mga ito ang nagamit lakip ang isinagawang pre-emptive evacuation sa 1,221 pamilya o 4,662 indibidwal. Lunes ng umaga ay nagsagawa ng paglilinis at pag-aalis ng mga natumbang puno ang mga tauhan ng Baras Municipal Police Station (MPS)…
Read MoreZERO CRIME SA MGA REHIYON NA APEKTADO NG ST UWAN
NAKAPAGTALA ng zero crime incident ang Philippine National Police sa mga rehiyon na apektado ng Super Typhoon Uwan. Batay sa datos ng office of Civil Defense, ang mga naapektuhang rehiyon ay ang NCR, CAR, Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, Negros Island Region, 7, at 8. Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations Deputy Director BGen. Vina Guzman, nagkaroon ng hamon sa paglilikas dahil sa ilang mga residente na ayaw iwanan ang kanilang bahay. Aniya, walang namang naitatalang komosyon, looting o anomang uri ng kriminalidad sa…
Read More