NAKAPAGTALA ng zero crime incident ang Philippine National Police sa mga rehiyon na apektado ng Super Typhoon Uwan.
Batay sa datos ng office of Civil Defense, ang mga naapektuhang rehiyon ay ang NCR, CAR, Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA, Region 5, 6, Negros Island Region, 7, at 8.
Ayon kay PNP Directorate for Police Community Relations Deputy Director BGen. Vina Guzman, nagkaroon ng hamon sa paglilikas dahil sa ilang mga residente na ayaw iwanan ang kanilang bahay.
Aniya, walang namang naitatalang komosyon, looting o anomang uri ng kriminalidad sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
Hanggang sa ngayon ay patuloy naman ang monitoring at deployment ng PNP habang nagpapatuloy ang epekto ng bagyo.
Sa ngayon, halos 22,000 PNP personnel ang nakatalaga sa evacuation centers, road clearing operations at relief efforts.
Bukod dito, nasa 17,000 karagdagang pulis mula sa Reactionary Standby Support Force ang nakahanda para sa posibleng augmentation kung kinakailangan.
(TOTO NABAJA)
59
