APPOINTEES SUBAYBAYAN AT BANTAYAN

DPA ni BERNARD TAGUINOD EYE opener ang anomalya sa flood control projects, na dapat subaybayan at bantayan ang appointees dahil marami sa kanila ang gumagawa ng kabalbalan na hindi napapansin ng publiko dahil nakatutok lang ang lahat sa elected officials tulad ng mga congressman, senador, vice president at president. Tulad na lamang itong kaso ng grupong tinatawag na “ATM” na sina Adrian Bersamin, Trigve Olaivar at Mina Pangandamana na inakusahang sangkot sa flood control projects, appointees lang naman ang mga ito eh. Walang basbas ang taumbayan sa appointment ng appointees…

Read More

LACSON BIASED?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMI ang naka-PUNA kay Senator Panfilo Lacson na mistulang naging tagapagtanggol na ni Pangulong Jujun Marcos, sa pananalita niya sa Senado kaugnay sa sinabi ni dating Ako Bicol Representative Zaldy Co laban kina dating House Speaker Martin Romualdez at PBBM. Sinabi ni Lacson na ginamit lang daw nina Usec. Trygve Olaivar at Usec. Adrian Bersamin ang pangalan ni Junjun Marcos sa 100-billion-peso insertion na may 25% komisyon para kay PBBM. ‘Yan daw ang sabi sa kanya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH)…

Read More

ESCORT NA BI OFFICIALS SA CHINESE DEPORTEES, MISTULANG NAG-FIELD TRIP TO CHINA

BISTADOR ni RUDY SIM TILA field trip ang ginawang pag-escort ng ilang opisyales at tauhan ng Bureau of Immigration sa 26 Chinese nationals na deportees noong nakaraang Biyernes. Ayon sa nakalap nating impormasyon mula sa ating garapatang busog sa airport, ay namataan umanong tuwang-tuwang nakalabas ng bansa ang ilan sa itatago na lamang natin sa pangalang “Atty. Alex”, “Atty. Jem” na isang babaeng lawyer na nasangkot noon sa Visa Upon Arrival ng mga Chinese sa bansa, at isa umanong mataas na opisyal na si alias “Yogi Bear” na walang kinalaman…

Read More

3 MONTHS NAT’L TAX HOLIDAY IPINANUKALA SA KAMARA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS NAIS ni Kamanggagawa Representative Eli San Fernando na ‘wag muna magbayad ng buwis sa loob ng tatlong buwan ang mga Pilipino para kahit paano mabawasan ang kanilang kahirapan na dinaranas ngayon sa gitna ng kaliwa’t kanang korupsyon sa pamahalaan. Ito ay sa pamamagitan ng panukala ni Congressman San Fernando na ‘3 Months National Tax Holiday’ o tigil muna ng pagbabayad ng buwis ng mga manggagawa sa buong bansa. Ayon kay Congressman San Fernando, kasama sa sakop ng kanyang panukala ay mga pribado at pampublikong…

Read More

ENGR. ABAGON NAHULI SA BAHAY NG ORIENTAL MINDORO VICE MAYOR

KINUMPIRMA ni DILG Secretary Jonvic Remulla na sa bahay mismo ng bise alkalde sa Bansud, Oriental Mindoro naaresto si Engr. Dennis Abagon, isa sa mga akusado sa flood control scam nitong Linggo ng umaga. Ayon kay Remulla, malinaw na natukoy ng mga awtoridad na ang property ay pag-aari ng bise alkalde. Patuloy na iniimbestigahan ng NBI at DILG ang tunay na dahilan at “nature” ng pananatili ni Abagon sa lugar. Naaresto si Abagon ng NBI sa Quezon City matapos mabigo ang service of warrant sa kanyang dating address sa Cavite.…

Read More

MOMAY ISAMA SA BIKTIMA NG AMPATUAN MASSACRE

SA paggunita sa ika-16 anibersaryo ng Ampatuan Massacre, isang petisyon ang inihain kahapon sa Court of Appeals (CA) para isama si Reynaldo “Bebot” Momay bilang ika-58 biktima ng pamamaslang noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao. Sa Manifestation with Urgent Motion for Resolution and Motion to Correct Clerical Errors na inihain ni Atty. Gilbert Andres, iginiit niyang dapat agad resolbahin ng CA ang apela ng pamilya Momay matapos hindi ito kilalanin sa listahan ng mga nasawi sa Maguindanao massacre. Kinuwestiyon din niya ang partial decision ng Quezon City RTC Branch 221…

Read More

HEPE, 14 PULIS SIBAK SA CAVITE

KINUMPIRMA ni PNP spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na sinibak sa puwesto ang commander ng PNP Drug Enforcement Group–Special Operations Unit ng CALABARZON dahil sa command responsibility, kasunod ng pagnanakaw at panghahalay umano ng kanyang mga tauhan sa bahay ng isang Grade 9 student sa Bacoor, Cavite. Kasama ring ni-relieve ang 14 na suspek, kabilang ang walong naaresto sa loob mismo ng Camp Vicente Lim, ang kanilang team leader na may ranggong Police Lieutenant, habang anim pa ang nananatiling at-large. Inaresto ang mga suspek ng Bacoor PNP noong Linggo ng madaling…

Read More

DILG SA FLOOD CONTROL ACCUSED: SUMUKO NA KAYO

MATINDI ang panawagan nitong Lunes ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla para sa agarang pagsuko ng mga suspek na umiiwas na madakip kaugnay sa multi billion-peso flood control anomaly partikular sa Oriental Mindoro. Nagbabala rin si SILG Remulla sa coddlers o mga tumutulong sa wanted personalities. “Binabalaan po namin ang lahat ng tumutulong itago ang mga ito. May katumbas na kaparusahan sa kanilang ginagawa. Our best advice to all those who have outstanding Warrants of Arrest against them: surrender as soon as possible.” Ang…

Read More

IPUPUSLIT NA LIVE MILLIPEDES NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang walong shipping container na naglalaman ng buhay na millipedes sa isang warehouse sa Pasay City. Ang containers ay patungo s\sa United Kingdom noong Nobyembre 19, na idineklarang “assorted consumer goods,” katulad ng powdered juice, face masks, instant noodles, delicacies, photo frames, at iba pa. Subalit sa X-ray screening, nakita ang iregularidad sa kargamento dahilan para isailalim pa ito sa mas malalim na pagsusuri. Dito na nga tumambad ang mga buhay na millipedes na agad na ipinag-utos na i-turnover sa Department of…

Read More