IMPEACHMENT VS BBM POSIBLE NGAYONG 2026

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI lang ang impeachment kay Vice President Inday Sara Duterte ang aabangan ng mga Pilipino kundi pati ang kay Pangulong Junjun Marcos din. Ayon kay political analyst Lito Banayo, posibleng may magsampa rin ng impeachment laban kay PBBM ngayong 2026 dahil sa mga isyu ng korupsyon partikular sa mainit na usapin ng maanomalyang flood control projects. Nariyan din ang isyu sa pondo ng PhilHealth na inalis nila at inilipat sa National Treasury na pinaniniwalaan ginamit din bilang pondo sa flood control projects. Posible ring masama…

Read More

LIBONG FOOD PACKS NG DSWD NAKA-STANDBY KASUNOD NG 6.4 LINDOL SA DAVAO ORIENTAL

NAKAALERTO at mahigpit na binabantayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Field Office 11 – Davao Region ang epekto ng magnitude 6.4 na lindol na tumama sa bayan ng Manay, Davao Oriental nitong Miyerkoles, Enero 7. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naganap ang lindol dakong alas-11:02 ng umaga, na may lalim na 23 kilometro at episentrong humigit-kumulang 55 kilometro hilaga, 85 degrees silangan ng Manay. Bilang pag-iingat, pansamantalang inilikas ng mga tauhan ng DSWD sa Davao Region ang kanilang opisina matapos…

Read More

Panawagan ni Chavit tablado AFP: CIVILIAN AUTHORITY REMAINS SUPREME

TAHASANG inihayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na walang aasahang positibong tugon ang hinihingi ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson sa kanyang open letter kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. Sa isang pulong-balitaan, nilinaw ni AFP spokesperson Col. Francel Margaret Padilla na hindi nakikialam ang kasundaluhan sa usaping pulitikal at ang mga alegasyon ng korapsyon ay saklaw ng mandato ng mga tamang civilian agency—hindi ng militar. Binigyang-diin ng AFP leadership na ang anumang panawagan para makilahok ang militar sa partisan politics o…

Read More

HERBOSA HINDI NANINIWALANG MAY NAMUMUONG CABINET SHAKE UP

ITINANGGI ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang mga ulat na naghahanda na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng kanyang magiging kapalit, kasunod ng kumakalat na online reports na umano’y planong yanigin ng Pangulo ang kanyang Gabinete na maaaring makaapekto sa siyam na opisyal. “There’s no truth to that,” ani Herbosa sa isang press briefing sa Malakanyang nang tanungin hinggil sa isyu. Dagdag pa niya, nilinaw na rin umano ni Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro na walang planong Cabinet revamp ang administrasyon. Gayunman, kinilala ni Herbosa na…

Read More

SC HINIMOK ILABAS PINAL NA DESISYON SA VP SARA IMPEACHMENT CASE

UMAPELA ang isang administration congressman sa Korte Suprema (SC) na maglabas na ng pinal na desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte. Sa isang press conference kahapon, sinabi ni House committee on public accounts Chairman at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na mahalagang makapagpasya ang Kataas-taasang Hukuman bago matapos ang one-year ban sa pagsasampa ng impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo sa Pebrero 6, 2026. “Hopefully, from today up to the fifth of February 2026, the Supreme Court will have basically disposed of the matter already,”…

Read More

5,594 EXAMINEES PUMASA SA 2025 BAR EXAMS

MULING nanguna ang University of the Philippines–Diliman matapos masungkit ni Jhenroniel Rhey Timola Sanchez ang pinakamataas na marka sa 2025 Bar Examinations, na may 92.70 porsyento. Pumangalawa si Spinel Albert Allaguian Declaro ng University of Santo Tomas (UST)–Manila na may 92.46 porsyento, habang pumangatlo naman si Alaiza Agatep Adviento, mula rin sa UST-Manila, na nagtala ng 91.91 porsiyento. Inilabas kahapon ng Korte Suprema ang opisyal na resulta ng Bar Examinations kung saan 5,594 mula sa 11,425 na examinees ang pumasa, katumbas ng 48.96 porsiyentong passing rate. Pinangunahan ni Associate Justice…

Read More

MGA KAWATAN, GALAMAY NANANATILI SA MARCOS ADMIN

LALONG dapat paigtingin ang pagbabantay sa mga proyekto at programang nakapaloob sa 2026 general appropriations act (GAA) dahil nasa gobyerno pa ang mga kawatan at maging ang kanilang mga kasabwat at galamay. Noong Lunes, pinirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang P6.793 trilyong pondo para ngayong taon na ayon kay ML party-list Rep. Leila De Lima ay dapat bantayan ang implementasyon lalo na’t mayroon pa rin aniyang Unprogrammed Appropriations na tinatawag nitong “shadow pork”. Lumobo rin aniya ang “soft pork” tulad ng mga ayuda program na maaaring magamit sa…

Read More

PNP: Walang banta pero nakaalerto HOODIE, CAPS AT PAPUTOK BAWAL SA TRASLACION 2026

BAGAMA’T wala pang namo-monitor na banta sa seguridad, tuloy-tuloy ang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) kaugnay ng Traslacion 2026. Ayon kay PNP Acting Chief PLt. Gen. Melencio Nartatez Jr., mahigpit ang kanilang monitoring lalo na sa social media upang ma-verify agad ang anomang impormasyong lilitaw. Nagpaalala rin si Nartatez sa mga deboto na iwasan ang pagsusuot ng hoodies at caps, gayundin ang pagdadala ng paputok at iba pang pyrotechnics, glass water canister, malalaking bag, at mamahaling gamit. Hinikayat ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag, alamin ang kanilang paligid,…

Read More