SHARIFF AGUAK MAYOR INAMBUS, 2 SUGATAN; 4 SUSPEK PATAY

SA ikatlong pagkakataon muling naligtasan ni Shariff Aguak Mayor Akmad Mitra Ampatuan ang pagtatangka sa kanyang buhay ng mga kalaban nang muli siyang tambangan nitong Linggo ng umaga sa Poblacion ng Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Habang dalawang sa security detail nito ang nasugatan sa kasagsagan ng putukan, ayon sa inilabas na pahayag ng kanyang executive assistant na si Anwar Emblaw. Ayon kay Emblaw, hindi nasaktan ang alkalde dahil kaagad itong nailayo sa lugar ngunit dalawa naman sa kanilang security escort ang tinamaan at kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa ospital.…

Read More

LIVE-IN PARTNERS PATAY SA SALPUKAN NG MOTOR AT TRUCK

QUEZON – Patay ang live-in partners na magkaangkas sa motorsiklo matapos salpukin ng isang truck tractor head ang kanilang sinasakyan sa Sariaya Bypass Road, Brgy. Pili, sa bayan ng Sariaya sa lalawigan noong Sabado ng hapon, Enero 24. Ayon sa Sariaya Police, nangyari ang insidente bandang alas-2:45 ng hapon nang bigla umanong salubungin sa northbound lane ng truck ang kasalubong na motorsiklo. Kapwa malubhang napinsala ang 46-anyos na driver ng motorsiklo at ang 39-taong gulang na angkas na si Maricar Olidan Asiño. Pagkaraan ay nakaladkad pa ang mga ito ng…

Read More

5 SA MGA SAKAY NG MISSING MOTOR BANCA NATAGPUANG BANGKAY

PINANGANGAMBAHANG malagim ang sinapit ng mga sakay ng nawawalang motor banca na MBCA Amejara, nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy ang limang bangkay at mga debris ng hinahanap na divers boat. Noong Sabado, umabot na sa lima ang natagpuang palutang-lutang na bangkay, ayon kay Coast Guard Southeastern Mindanao Commander Commodore Philip Soria. Sa pahayag naman sa Philippine Navy, ilang bangkay ang na-recover ng Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM), sa pamamagitan ng kanilang BRP Artemio Ricarte (PS37), bukod sa recovered multiple cadavers ay may mga…

Read More

BANGKA LUMUBOG SA FLUVIAL PARADE SA LUMBAN, LAGUNA

LAGUNA – Lumubog ang isa sa mga bangkang kalahok sa fluvial parade ng Lupi Festival sa bayan ng Lumban sa lalawigan nitong Linggo ng umaga, Enero 25, habang isinasagawa ang tradisyunal na Paligong Poon bilang bahagi ng Kapistahan ni San Sebastian Martir. Sa kuhang video ng isang manonood, makikita ang tinatayang humigit-kumulang 40 katao na sakay ng bangka na nahulog sa tubig matapos itong unti-unting lumubog. Ang ilan sa mga sakay ay pilit na lumangoy patungo sa gilid ng ilog, habang ang iba naman ay kumapit sa bahagyang nakalubog na…

Read More

DAGDAG-SAHOD NG KASAMBAHAY SA NCR KASADO SA PEBRERO

MAY karagdagang sahod ang mga kasambahay sa Metro Manila simula Pebrero 7, matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang umento sa minimum wage ng mga domestic worker sa National Capital Region (NCR). Ayon sa National Wages and Productivity Commission, P800 ang idadagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay, kaya’t mula sa dating P7,000 ay aakyat ito sa P7,800. Saklaw ng bagong minimum wage ang mga nagtatrabaho bilang yaya, kusinero, hardinero, tagalaba, at iba pang gumagawa ng gawaing bahay, mapa stay-in o stay-out arrangement. Ayon kay Senator Jinggoy…

Read More

ERWIN TULFO SA CHINESE EMBASSY: LAYAS KUNG AYAW SA FREEDOM OF SPEECH NG PILIPINAS

SINITA ni Senador Erwin Tulfo ang Chinese Embassy sa pagkondena nito sa mga pahayag ng ilang opisyal ng Pilipinas hinggil sa isyu ng West Philippine Sea. “Wala kayong karapatan na sitahin ang mga opisyal namin sa mga pahayag nila hinggil sa pagkamkam ninyo sa aming mga teritoryo,” ani Sen. Tulfo. Ito ang mainit na reaksyon ng Senador matapos sabihin ni Chinese Embassy Deputy Spokesman Guo Wei na hindi lisensya ang freedom of speech para siraan ang iba lalo na ang lider ng ibang bansa. Dagdag pa ni Guo, hindi ito…

Read More

Motorista inilagay sa panganib VIRAL NA TRUCK DRIVER INISYUHAN NG SHOW CAUSE ORDER NG LTO

SANHI ng kawalan ng disiplina, naglabas ang Land Transportation Office (LTO) sa pamumuno ni LTO chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng show cause order (SCO) bilang bahagi ng imbestigasyon hinggil sa isang insidente na kumalat sa social media kung saan isang truck ang nasangkot sa isang mapanganib na sitwasyon. Makikita sa viral video na may isang motorista na nakatayo sa harap ng truck subalit ang sasakyan ay nagpatuloy sa pag-andar kahit maririnig na malakas na isinisigaw ng asawa ng nasabing motorista na ito ay nagtutulak ng truck habang gumagalaw…

Read More