MAY karagdagang sahod ang mga kasambahay sa Metro Manila simula Pebrero 7, matapos aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards ang umento sa minimum wage ng mga domestic worker sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa National Wages and Productivity Commission, P800 ang idadagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay, kaya’t mula sa dating P7,000 ay aakyat ito sa P7,800.
Saklaw ng bagong minimum wage ang mga nagtatrabaho bilang yaya, kusinero, hardinero, tagalaba, at iba pang gumagawa ng gawaing bahay, mapa stay-in o stay-out arrangement.
Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, pangunahing nagsulong ng Batas Kasambahay, malaking tulong ang dagdag sahod sa mga kasambahay na bumubuhay sa kanilang pamilya, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
(JULIET PACOT)
35
