RIGODON SA SENADO, MORO-MORO?

RAPIDO ni PATRICK TULFO ISANG moro-moro o isang planadong palabas na ang nangyari sa Senado nitong nakaraang Lunes, May 11, 2026. Nasipa bilang Senate President si Sen. Tito Sotto na pinalitan ni dating Minority Leader Sen. Alan Peter Cayetano sa botong 13-9-2. Agaw-atensyon pa itong absentee Senator Bato Dela Rosa na biglang lumutang sa araw ng botohan makalipas ang ilang buwang hindi pagpasok sa Senado. Hindi na nakapagtataka o nakagugulat ang nangyaring rigodon sa Senado. Ngayong iaakyat na sa Senado ang impeachment complaint kay VP Sara Duterte, double time ang…

Read More

OPERASYON NG NBI SA SENADO MAY BASBAS NI SOTTO

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SINISISI ngayon kay dating Senate President Tito Sotto ang kaguluhan sa pagbubukas ng Senado noong Lunes. Batid daw kasi ng pinatalsik na Senate leader ang ‘operasyon’ ng National Bureau of Investigation (NBI) bago pa man nangyari ang mga eksena sa pagbabalik ni Sen. Bato dela Rosa. Ayon sa ilang insiders, Lunes pa lang ay nabalot na ng kaguluhan ang upper chamber, kasama ang mga opisyal at empleyado nito. Hindi raw dahil sa ‘coup’ na nagluklok kay Senator Alan Peter Cayetano kapalit ni Sotto bilang Senate President…

Read More

PAIRCARGO P2.243-B TAGUMPAY NI SPECIAL DEPUTY COLLECTOR MANAOIS

On the Level ni JUNEX DORONIO  SA gitna ng ingay ng pulitika at bigat ng pang-araw-araw na hamon, may mga kuwento ng tagumpay na hindi kailangang isigaw—dahil kusang nararamdaman ang kanilang halaga. Isa na rito ang patuloy na pag-angat ng Paircargo Assessment Composite Division sa Port of NAIA, sa pamumuno ni Special Deputy Collector Dr. Siegfred “Yeye” L. Manaois. Sa ika-apat na magkakasunod na buwan ng 2026, muling nalampasan ng kanilang tanggapan ang itinakdang target. Hindi biro ang halagang P2.243 bilyon na kanilang nakolekta ngayong Abril. Higit pa sa numero,…

Read More

MAS MAAGANG PAG-ALALAY, MAS MAGANDANG KINABUKASAN PARA SA ‘CHILDREN WITH SPECIAL NEEDS’ —REP. BRIAN YAMSUAN

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI dapat maging hadlang ang kahirapan upang mabigyan ng tamang pag-aaruga at oportunidad ang mga batang may autism spectrum at iba pang espesyal na pangangailangan. Sa isang lipunang dapat kumikilala sa karapatan ng bawat bata, mahalagang tiyakin na may sapat na suporta at serbisyong maagang makatutulong sa kanilang pag-unlad. Kaya naman kapuri-puri ang hakbang ni Parañaque 2nd District Representative Brian Yamsuan sa pagsusulong ng House Bill 6309 na naglalayong magpatupad ng komprehensibong programa para sa early detection at intervention services para sa mga batang may…

Read More

3 BUS SINUSPINDE SA MADUGONG AKSIDENTE SA SORSOGON

INIHAYAG ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), sa ilalim ng patnubay ni DOTr Sec. Giovanni “Banoy” Z. Lopez, na pansamantalang sinuspinde sa loob ng 30 araw ang operasyon ng hindi bababa sa tatlong yunit ng isang kumpanya ng bus kasunod ng pagkakasangkot ng isa sa kanilang mga bus sa isang nakamamatay na aksidente sa kalsada sa Juban, Sorsogon. Nabatid sa ulat na dalawang pasahero ng isang pribadong sasakyan ang namatay habang siyam na iba pa ang malubhang nasugatan sa hindi magandang pangyayaring naganap noong Mayo 11 sa Maharlika…

Read More

PULIS TIKLO SA P.7-M DROGA SA PAMPANGA

ISANG pulis na kabilang sa drug watchlist, ang naaresto sa buy-bust operation na isinagawa ng Police Regional Office 3 (PRO3) sa Lungsod ng San Fernando, sa Lalawigan ng Pampanga nitong Mayo 12, 2026. Ang suspek na isang 28-anyos na patrolman na nakatalaga sa Mexico Municipal Police Station sa Pampanga, ay naaresto dakong alas-11:49 ng umaga sa Purok 5, Brgy. San Jose, Lungsod ng San Fernando, Pampanga. Ang operasyon kontra ilegal na droga ay magkatuwang na isinagawa ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Pampanga Police Provincial Office bilang lead unit,…

Read More

BAGONG RICKY REYES HAIR CLINIC BRANCH, BINUKSAN SA BATANGAS

OPISYAL nang binuksan noong Mayo 11, 2026 ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Lifestyle Mall sa Santo Tomas, Batangas. Pinangunahan ni Ricky Reyes ang ribbon-cutting ceremony at blessing kasama ang panauhing pandangal na si Jo Ann Uy, Cedrick Eliponga na kampeon ng 29th APHCA Hair-Beauty Olympic, Ador Blaza, Liz Mabao, at Marck Marasigan. Kilala bilang isa sa pinakamabilis lumagong hair clinic sa bansa, patuloy na nagbibigay ang Ricky Reyes Hair Clinic ng iba’t ibang solusyon para sa problema sa buhok. Sa susunod na dalawang buwan, plano rin…

Read More

HINDI LANG SI VP SARA ‘NASA TRIAL’ SA IMPEACHMENT PROCEEDINGS – INTON

HINDI lamang si Vice President Sara Duterte ang nakasalang sa impeachment trial kundi maging ang mga demokratikong institusyon ng bansa. Ito ang pananaw ni Atty. Ariel Inton kaugnay ng muling pag-impeach ng House of Representatives kay VP Sara Duterte. Ayon kay Inton, tapos na ang proseso sa Kamara at nasa Senado na ang susunod na yugto ng impeachment proceedings. “Tapos na sa House. Ang laban ay sa Senado na. Pero hintayin natin ang magiging pasya ng Korte Suprema sa mga kaso na isinampa tungkol sa proseso ng impeachment,” ani Inton.…

Read More

GRUPONG SANDUGO NANGALAMPAG SA SENADO

SUMUGOD sa Senado ang grupong Sandugo sa pangunguna ni Ka Jet Gonzaga upang ipanawagan sa mga senador ang pagpapatuloy ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Ka Jet, nararapat lamang na managot umano si Duterte sa mga alegasyon laban dito, partikular sa umano’y paglustay ng pondo ng bayan. Sinabi rin nito na dapat makamit ng mamamayan ang hustisya kaugnay ng isyu. Bukod sa panawagan para sa impeachment, hinimok din ni Ka Jet si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na sumuko at harapin ang proseso ng batas.…

Read More