OPISYAL nang binuksan noong Mayo 11, 2026 ang bagong sangay ng Ricky Reyes Hair Clinic sa Lifestyle Mall sa Santo Tomas, Batangas.
Pinangunahan ni Ricky Reyes ang ribbon-cutting ceremony at blessing kasama ang panauhing pandangal na si Jo Ann Uy, Cedrick Eliponga na kampeon ng 29th APHCA Hair-Beauty Olympic, Ador Blaza, Liz Mabao, at Marck Marasigan.
Kilala bilang isa sa pinakamabilis lumagong hair clinic sa bansa, patuloy na nagbibigay ang Ricky Reyes Hair Clinic ng iba’t ibang solusyon para sa problema sa buhok.
Sa susunod na dalawang buwan, plano rin ng kumpanya na magbukas pa ng karagdagang mga sangay bilang bahagi ng target nitong makapagtayo ng 12 bagong clinics sa loob ng 10 buwan.
(JOCELYN DOMENDEN)
86 