INIREKOMENDA ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa National Prosecution Service ng Department of Justice ang pagsasampa ng reklamong obstruction of justice laban kay Senador Robinhood “Robin” Padilla at iba pang sangkot umano sa pagtakas sa Senado ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa. Ayon kay CIDG Director PMGen Robert Morico II, natapos na ang isinagawang imbestigasyon ng ahensya kaugnay sa insidente noong Mayo 14, 2026. Sa naging konklusyon ng CIDG, lumitaw umano na planado ang pagsakay ni Dela Rosa sa sasakyan ni Padilla upang makalabas ng Senado…
Read MoreDay: May 27, 2026
PPP sa NAIA pinatitigil ng labor, consumer groups PAGLABAG SA CONCESSION DEAL PINASISILIP SA KONGRESO
NANAWAGAN sa Kongreso ang militanteng labor at consumer groups na imbestigahan at suspendihin ang kontrobersyal na Public-Private Partnership (PPP) deal sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil umano sa seryosong paglabag sa concession agreement at posibleng banta sa pambansang seguridad. Sa magkasanib na pahayag ng Political Officers League of the Philippines (POLPhil), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at National Confederation of Labor (NCL) o mga kasapi ng PUSO ng NAIA, kinondena nila ang umano’y kawalan ng Independent Consultant (IC) na dapat nagbabantay sa implementasyon ng privatization deal na hawak ngayon…
Read MoreLIBRENG AI-SEARCHABLE LEGAL DATABASE ISUSULONG SA KAMARA
ISUSULONG ni Negros Occidental Rep. Javier Miguel Benitez ang panukalang batas na lilikha ng libre, integrated at AI-searchable national database ng mga batas at jurisprudence sa Pilipinas. Ayon kay Benitez, layunin nitong gawing mas accessible sa publiko ang mga batas bilang bahagi ng digital public infrastructure para sa hustisya at pagpapatupad ng batas. Tinawag ng mambabatas na isang “quiet injustice” ang sitwasyon kung saan maraming Pilipino ang saklaw ng mga batas na hindi madaling ma-access o mahanap. “We have ended up with two tiers of law in one Republic. One…
Read MorePANANAGUTAN SA PAGGUHO NG GUSALI, IGIINIIT NG GRUPONG MANGGAGAWA
MARIING kinondena ng grupong Association of Women’s Workers in Construction Industry (AWCCI) ang umano’y kapabayaan sa likod ng pagguho ng itinatayong siyam na palapag na gusali sa Balibago, Angeles City, Pampanga na ikinasawi at ikinasugat ng ilang obrero. Ayon sa AWCCI, inilantad ng insidente ang mapanganib umanong kalagayan sa paggawa sa naturang construction site. Sinabi ni AWCCI national coordinator Jane Vargas na hindi dapat nasasawi ang mga manggagawa dahil sa kapabayaan at pagtitipid ng mga kumpanya sa konstruksyon. Nanawagan ang grupo ng masusing imbestigasyon laban sa Golden Years Construction and…
Read More