ISA PATAY, ISA SUGATAN SA BARILAN SA PANGASINAN

DEAD on the spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang isa pa matapos ang naganap na barilan sa loob ng Villasis Public Auditorium sa Villasis, Pangasinan noong gabi ng Mayo 25.

Kinilala ang nasawi na si Renald A. Elevazo, residente ng Barangay Piaz, Zone 4 habang patuloy pang nilalapatan ng lunas ang sugatang biktimang si alias “Mokong” Cacapit, 43-anyos, ng Barangay Liksab, kapwa residente ng nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente bandang alas-6:31 ng gabi sa loob mismo ng auditorium.

Ayon sa ulat, inabangan umano ni Elevazo si Cacapit na katatapos lamang mag-zumba sa loob ng public auditorium.

Paglabas umano ni Cacapit ay agad siyang nilapitan ni Elevazo at binaril gamit ang isang .45 caliber pistol.

Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Villasis Municipal Police Station (VMPS) at naabutan pa umano ang suspek sa lugar.

Pilit umanong pinasuko ng mga pulis si Elevazo ngunit sa halip na sumuko ay nagpaputok pa umano ito kaya napilitang gumanti ng putok ang mga awtoridad.

Dead on the spot si Elevazo habang nagtamo naman ng limang tama ng bala sa katawan si Cacapit na agad isinugod sa pinakamalapit na ospital.

Patuloy pa ang follow-up investigation ng VMPS hinggil sa insidente.

(JESSE RUIZ)

85

Related posts

Leave a Comment