WALANG OBSTRUCTION OF JUSTICE SA JINGGOY ARREST — MALACAÑANG

NILINAW ng Malacañang na walang obstruction of justice sa panig ni Senate President Alan Peter Cayetano sa kabila ng tensyonadong sitwasyon sa pagitan nila ni Interior Secretary Jonvic Remulla habang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Senador Jinggoy Estrada noong Lunes. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, inaresto si Estrada ng mga awtoridad at hindi boluntaryong sumuko. “Hindi naman siya obstruction of justice. ‘Di naman niya itinago,” pahayag ni Castro patungkol kay Cayetano. “Nagkataon lang pinipigilan niya dahil siguro iniisip niya, siya…

Read More

PROMOSYON NG 5 AFP GENERALS APEKTADO SA KAWALAN NG QUORUM SA SENADO

NAKABINBIN ang promosyon ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa kawalan ng quorum sa Senado. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng mga apektadong opisyal ang liderato sa ilang bagong unit ng militar. Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote ngayong Hunyo 3 bago ang sine die break ng Kongreso. Kaugnay nito, tiniyak ng AFP na handa ang kanilang istruktura sakaling matuloy man o hindi ang confirmation hearing ng Commission on Appointments. Noong Lunes,…

Read More

DESISYON NG SC SA PETISYON SA UNPROGRAMMED FUNDS HINILING AGAD ILABAS

HINIMOK ni dating Senate President Franklin Drilon ang Korte Suprema (SC) na maglabas ng desisyon “as early as possible” sa mga petisyong kumukuwestiyon sa ilang probisyon kaugnay ng unprogrammed funds at special accounts sa General Appropriations Act para sa 2024, 2025 at 2026. Sa kanyang manifestation sa muling pagdinig ng pinagsama-samang petisyon nitong Martes, sinabi ni Drilon na hindi na dapat hintayin pa ng Korte na matapos ang taon dahil may mahahalagang desisyong gagawin pa ang Kongreso sa usapin ng pambansang budget. Ayon sa kanya, mahalagang makapagpasya agad ang SC…

Read More