PROMOSYON NG 5 AFP GENERALS APEKTADO SA KAWALAN NG QUORUM SA SENADO

NAKABINBIN ang promosyon ng limang heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa kawalan ng quorum sa Senado.

Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Padilla, hawak ng mga apektadong opisyal ang liderato sa ilang bagong unit ng militar.

Sinabi naman ni Senador JV Ejercito na huling tsansa na sana ng AFP officials na ma-promote ngayong Hunyo 3 bago ang sine die break ng Kongreso.

Kaugnay nito, tiniyak ng AFP na handa ang kanilang istruktura sakaling matuloy man o hindi ang confirmation hearing ng Commission on Appointments.

Noong Lunes, tila nagkaroon ng stalemate sa Senado matapos tanging mga miyembro ng minority bloc ang dumalo sa sesyon sa unang araw ng Hunyo habang wala namang miyembro ng majority bloc.

Kabilang sa 11 senador na dumalo sina Minority Leader Vicente Sotto III, Senador Bam Aquino, Senador Risa Hontiveros, Senador Panfilo Lacson, Senador JV Ejercito, Senador Kiko Pangilinan, Senador Lito Lapid, Senador Win Gatchalian, magkapatid na Senador Raffy at Erwin Tulfo, at Senador Juan Miguel Zubiri.

Sa kabila ng pagkaantala, tiniyak ng AFP na handa at matatag ang kanilang istruktura na sumalo sa operasyon matuloy man o hindi ang kumpirmasyon sa lalong madaling panahon.

“We have everything still business as usual. Mayroon tayong in acting capacity or for anything that the AFP will mandate so that our roles, duties and responsibilities continue to be performed,” pahayag pa ng tagapagsalita.

(JESSE RUIZ)

70

Related posts

Leave a Comment