POSIBLENG accidental firing ang dahilan sa pagkamatay ng isang 31-anyos na sundalo sa Bacolod City, ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya. Ang insidente ay nauwi rin sa pagkamatay ng asawa ng sundalo matapos itong saksakin ng kanyang biyenan sa Purok Tilapia, Barangay 3, Bacolod City. Ayon sa mga imbestigador ng Bacolod City Police Office, accidental firing ang unang nakikitang dahilan sa pagkamatay ni Army Private First Class “Paul” ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army. Salungat ito sa mga naunang ulat na nagsasabing nagbaril umano sa sarili ang sundalo gamit…
Read MoreDay: July 18, 2026
GINANG NA DUMALAW SA MISTER NA PDL, BINARIL SA ULO
INIIMBESTIGAHAN ng pulisya upang matukoy kung may kaugnayan sa pagkakakulong ng asawa ang motibo sa pamamaril ng riding-in-tandem sa isang ginang matapos nitong dalawin ang kanyang mister sa General Trias City, Cavite nitong Huwebes ng hapon. Natagpuang wala nang buhay sa gilid ng isang creek ang biktimang si alyas “Nadia,” 33, residente ng Parklane Subdivision, Barangay Santiago, General Trias City, matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo. Inilarawan ang mga suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo, kung saan ang driver ay nakasuot ng itim na T-shirt habang ang…
Read MoreRETIRED COP TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION SA CAMSUR
ARESTADO ang isang retiradong pulis sa ikinasang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay San Francisco, Iriga City, Camarines Sur nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ang suspek na si Richmond Ursus Turiano Bonnevie II, 45-anyos, retiradong Police Staff Sergeant. Sa ulat ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang pinagsanib na pwersa ng PNP Drug Enforcement Group, IMEG Team 5, Camarines Sur Police Provincial Drug Enforcement Unit, Iriga City Police Station, at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek. Nakumpiska mula…
Read MoreSAN RAFAEL POLICE CHIEF, 3 TAUHAN SIBAK SA MISTAKEN IDENTITY
SINIBAK sa puwesto ang hepe ng San Rafael Municipal Police Station sa Bulacan at tatlo nitong tauhan kaugnay ng insidente ng umano’y sapilitang pagsakay sa isang negosyante dahil sa mistaken identity. Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Melencio Nartatez Jr., na nagsabing ipinatupad ang relief sa police chief batay sa prinsipyo ng command responsibility. Sa ulat, isang negosyante ang umano’y sapilitang isinakay ng tatlong pulis noong Huwebes ng gabi sa Baliuag, Bulacan. Sa ambush interview sa Camp Crame nitong Biyernes ng umaga, sinabi ni Nartatez…
Read MorePAMILYA NG MISSING SABUNGEROS ITINANGGI AREGLO KAY ATONG ANG
PINABULAANAN ng ilang kapamilya ng mga nawawalang sabungero na tumanggap sila ng anomang areglo mula sa kampo ni Atong Ang, na itinuturong umano’y mastermind sa pagkawala ng mga sabungero. Nagtungo sila sa Department of Justice (DOJ) nitong Biyernes upang magsumite ng mga sinumpaang salaysay na magpapabulaan sa alegasyong tumanggap sila ng pera kapalit ng pag-atras sa kaso. “Ano lang po ‘yun, preliminary investigation lang po para patunayan namin na wala namang areglo. At the same time, sila lang po ang may gusto ng malaking pera. Walang katotohanan ang areglo-areglo,” ani…
Read More“BUHAY SIKLISTA” PHOTO EXHIBIT NG PPP, BINUKSAN SA 29TH GRAPHIC EXPO
OPISYAL nang binuksan ng Press Photographers of the Philippines (PPP) ang photo exhibit nitong “Buhay Siklista” noong Hulyo 16 sa ginaganap na 29th Graphic Expo sa SMX Convention Center. Pinangunahan ang ribbon-cutting ceremony nina PPP President Edwin E. Bacasmas, PPP Secretary Vivian Marasigan, at PPP Director Joey Mendoza kasama sina Fiera de Manila President Norelyn Babiera at beteranong sports photographer na si Ernie Sarmiento. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng iba-iba, masigla, at mapanghamong realidad ng lokal na komunidad ng mga nagbibisikleta, itinatampok ng maingat na piniling koleksyon ang husay sa…
Read MoreVILLAR PINAIIMBESTIGAHAN SERYE NG KARAHASAN SA TNVS DRIVERS
NAGHAIN si Senador Mark A. Villar ng Senate Resolution No. 527 na naglalayong magsagawa ng imbestigasyon in aid of legislation upang palakasin ang mga hakbang sa seguridad para sa mga ride-hailing driver at pasahero, paigtingin ang koordinasyon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, at bumuo ng mga repormang magtitiyak ng mas ligtas na pampublikong transportasyon. Ito ay kasunod ng magkakasunod na karumal-dumal na krimen na ikinabahala ng riding public nitong mga nakaraang linggo, kabilang ang pagpatay sa isang TNVS rider sa Cavite matapos umano itong holdapin at ang pananaksak hanggang…
Read MoreMOVE IT TINIYAK SUPORTA SA PAMILYA NG RIDER-PARTNER NA PINASLANG SA CALOOCAN
NAGTUNGO si MOVE IT General Manager Wayne Jacinto upang personal na makiramay sa pamilya ng nasawing rider-partner na si Fabio Norberte, Jr. NAGPAHAYAG ng matinding pakikiramay ang MOVE IT Philippines sa pamilya ng rider-partner na si Fabio Norberte Jr. at tiniyak ang patuloy na suporta sa kanila habang isinusulong ang hustisya para sa biktima. “Labis naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni Fabio. Taos-puso kaming nakikiramay sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at sa buong MOVE IT rider community,” pahayag ni MOVE IT General Manager Wayne Jacinto. Si Norberte, 46, ay…
Read MoreMARCOS VLOGGER PATAY SA PAMAMARIL SA CALOOCAN
PATAY ang isang 24-anyos na vlogger na kilalang supporter ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos pagbabarilin sa loob ng kanyang inuupahang bahay sa Caloocan City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang biktima na si Alicia Lipata, na mas kilala bilang “Mima Alicia,” residente ng Blk. 3 Lot 18B Tierra Nova Subdivision Main, Barangay 171, Caloocan City. Sugatan naman ang kanyang live-in partner na si Nelboy Lluz, 24-anyos, na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Batay sa ulat ng Northern Police District (NPD), dakong alas-3:06 ng madaling araw nang pasukin ng dalawang…
Read More