NILINAW ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi suspendido sa serbisyo si Special Operations Group-Task Force for Road Clearing head Gabriel Go sa gitna ng isyu kaugnay ng pagpo-post ng video ng pagsita sa isang gurong nagmomotorsiklo nang walang helmet. Ayon kay MMDA Chairman Romando “Don” Artes, hindi lamang muna isinama si Go sa mga clearing operations habang isinasagawa ang imbestigasyon sa insidente. “Empleyado pa rin siya, hindi siya suspended sa trabaho,” ani Artes. Kasabay nito, sinabi ni Artes na nagpapatuloy pa rin ang mga clearing operation ng MMDA…
Read MoreDay: July 18, 2026
PUBLIKO PINAG-IINGAT NG DOH; BAGONG KASO NG COVID-19 NAITALA SA MAYNILA
NAGBABALA ang Department of Health (DOH) at hinikayat ang publiko na manatiling mapagmatyag matapos makapagtala ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Maynila. Batay sa ulat noong Hulyo 16, nakapagtala ang lungsod ng tatlong bagong kaso ng COVID-19, isang kaso ng leptospirosis, at tatlong kaso ng dengue. Wala namang naitalang bagong kaso ng cholera, typhoid fever, influenza-like illness, at severe acute respiratory infection. Mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, umabot na sa 1,961 ang kabuuang kaso ng dengue, 773 ang influenza-like illness, 240 ang severe acute respiratory infection, 94 ang…
Read More₱41M HALAGA NG ILEGAL NA DROGA IDINAAN SA PHILPOST, NASABAT NG BOC AT PDEA
NASABAT ng Bureau of Customs (BOC), sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine Postal Corporation (PHLPost), ang 39 na international inbound parcels na naglalaman ng ilegal na droga na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱41 milyon. Ayon kay Bureau of Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno, bahagi ito ng pinaigting na kampanya ng Aduana sa border protection at laban sa smuggling, partikular sa pagpupuslit ng ilegal na droga. Personal na sinuri ni Nepomuceno ang iba’t ibang uri ng dangerous drugs na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa…
Read More