UNGGOY NA NAKABARONG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO MAY bagong pelikula ang Tsina, pero hindi ito sa sinehan kundi sa makinarya ng kanilang state-controlled media, ang China Daily. Gamit ang artificial intelligence (AI), naglabas sila ng video kung saan ang isang unggoy—na naka-Barong Tagalog pa, ha!—ay binobomba ng water cannon. Napaka-orihinal. Kung akala ninyo ay drowing lang ito ng isang batang pikon, nagkakamali kayo. Opisyal na propaganda ito mula sa isang bansang nagpipilit maging “responsableng pinuno” ng buong mundo. Siyempre, agad na umusok ang ilong ng Department of Foreign Affairs (DFA), National Security Council,…

Read More

Yorme Isko: Rali malaya sa Maynila, pero dapat may disiplina

PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA HINDI kailanman naging krimen ang magpahayag ng saloobin. Sa isang demokratikong lipunan, karapatan ng bawat mamamayan ang magprotesta, magtanong at maningil ng pananagutan sa pamahalaan. Ngunit tulad ng anomang karapatan, may hangganan din ito. Ito ang malinaw na mensahe ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso: Bukas ang Maynila sa mga nagra-rally, pero sarado ito sa mga manggugulo. Hindi niya ipinagbabawal ang kilos-protesta. Sa katunayan, kinikilala niya ang Freedom Parks bilang lugar kung saan maaaring magtipon ang mga tao nang hindi na kailangang humingi…

Read More

EDUKASYON AT TRABAHO, PRAYORIDAD NI CAVITE FIRST DISTRICT CONG. JOLO REVILLA

TARGET ni KA REX CAYANONG MAY kasabihang ang tunay na pag-unlad ng isang komunidad ay nasusukat sa kalidad ng edukasyon at sa oportunidad na naibibigay sa mamamayan upang magkaroon ng marangal na hanapbuhay. Ito ang dalawang haliging dapat patuloy na pagtibayin ng pamahalaan upang matiyak ang mas magandang kinabukasan ng bawat pamilyang Pilipino. Sa Unang Distrito ng Cavite, isa sa mga programang nagbibigay ng konkretong tulong ay ang pamamahagi ng educational assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mahigit isang libong estudyante sa kolehiyo. Malaking ginhawa ito…

Read More

DAVAO OCCIDENTAL NIYANIG NG MAGNITUDE 5.0 NA LINDOL

NIYANIG ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Hulyo 19. Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-4:19 ng hapon sa silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental. Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro. Naitala ang Intensity III sa General Santos City, habang Intensity II naman ang naramdaman sa ilang bahagi ng lungsod. Sa ngayon, wala pang naiuulat na pinsala o nasawi dulot ng lindol. Nagbabala naman…

Read More

SUMUNDO SA ANAK SA ISKOL, ITINUMBA

PATAY ang isang lalaki matapos barilin sa ulo sa harap ng Prinza Elementary School sa Teresa, Rizal noong Huwebes ng hapon, Hulyo 16. Sinasabing hinihintay ng biktima ang paglabas ng kanyang anak nang isagawa ng suspek ang krimen. Ayon sa pulisya, kabababa pa lamang ng biktima mula sa kanyang tricycle nang lapitan at paputukan ng suspek na nag-aabang sa lugar. Idineklarang dead-on-arrival sa ospital ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo. Kinumpirma ng mga saksi na ang suspek ay guwardiya ng paaralan na kasalukuyang naka-leave, na agad tumakas…

Read More

TUBONG INIUUGNAY SA FISH KILL SA LAGUNA, PINASELYUHAN NG LLDA

TULUYAN nang pinaselyuhan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang discharge outlet ng Manila Water Company, Inc. (MWCI) na iniuugnay sa insidente ng malawakang fish kill sa Laguna de Bay, upang maiwasan ang anomang susunod na direktang pagpapakawala ng tubig sa lawa. Ayon sa LLDA, isinagawa ang hakbang matapos pagpaliwanagin ang MWCI kaugnay ng napaulat na flushing operations. Iginiit naman ng kompanya na bahagi lamang ito ng karaniwang paglilinis ng bagong submarine pipeline at hindi sewage ang inilabas na tubig. Humingi rin ng paumanhin ang MWCI dahil sa kakulangan ng…

Read More

EXPORT MARKET NG PH SABA SA NEW ZEALAND PINATATATAG

PATULOY na pinalalawak ng Pilipinas ang export market para sa sariwang saging na saba o cardava matapos maipadala sa Auckland ang ikalawang commercial shipment nito sa New Zealand. Ang panibagong pagpapadala ay itinuturing na mahalagang hakbang sa pagpapatatag ng presensya ng bansa sa merkado ng New Zealand at patunay na patuloy na nakikilala sa pandaigdigang merkado ang saging na saba na matagal nang bahagi ng lutuing Pilipino. Nabatid na ang pinakahuling shipment ng Davao City-based Avante Agri-Products Philippines Inc. ay kasunod ng matagumpay na pagdating ng unang export shipment nito…

Read More

FLOOD CONTROL PROBE TULOY SA BALIK-SESYON NG SENADO – TULFO

IPAGPAPATULOY ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa umano’y mga iregularidad sa mga flood control project sa oras na pormal nang mabuo ang komite sa pagbabalik-sesyon ng Senado sa Hulyo 27. Ito ang inihayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senator Erwin Tulfo nitong Linggo, kasabay ng paglilinaw sa proseso ng pagbuo ng komite bago makapagsagawa ng mga pagdinig. Ayon kay Tulfo, sa mismong araw ng State of the Nation Address (SONA) pormal na bubuuin ang Blue Ribbon Committee, kabilang ang pagsusumite ng mga senador ng listahan ng mga…

Read More

TOP-RATED REPS, MAYORS, GOVS SA PILIPINAS INILABAS NG RPMD

ISINAPUBLIKO ng RPMD Foundation Inc. (RPMD) ang listahan ng top-performing at most trusted representatives, mayors at governors sa bansa, batay sa nationwide independent “Boses ng Bayan” Index of Governance (IOG), na pinagsamang trust (t) at performance (p) ratings. Top tier sa Representatives sina Sandro Marcos (Ilocos Norte), 89.43% IOG (t89.35/p89.51); Bojie Dy (Isabela), 88.99% (t88.73/p89.26); at Toby Tiangco (Navotas), 88.70% (t88.51/p88.90). Second tier sina Kristine Singson (Ilocos Sur), 88.31% (t88.17/p88.45); Midy Cua (Quirino), 88.08% (t87.84/p88.33); Miro Quimbo (Marikina), 87.71% (t87.52/p87.91); at Lolypop Ouano-Dizon (Mandaue), 87.34% (t87.26/p87.43). Ikatlo sina Jam-Jam Baronda…

Read More