DAVAO OCCIDENTAL NIYANIG NG MAGNITUDE 5.0 NA LINDOL

NIYANIG ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Occidental nitong Linggo ng hapon, Hulyo 19.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol dakong alas-4:19 ng hapon sa silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 10 kilometro.

Naitala ang Intensity III sa General Santos City, habang Intensity II naman ang naramdaman sa ilang bahagi ng lungsod.

Sa ngayon, wala pang naiuulat na pinsala o nasawi dulot ng lindol.

Nagbabala naman ang Phivolcs na posibleng magkaroon ng mga aftershock kasunod ng pagyanig.

(PAOLO SANTOS)

170

Related posts

Leave a Comment