HANDA ang lungsod ng Maynila na muling i-activate ang 24/7 vaccination hub nito hindi lamang sa mga Manileño kundi maging sa mga taga ibang lugar sa sandaling makatanggap sila ng mga bagong booster shot na bakuna para sa mga nasa hustong gulang na Pilipino.
Pinahiwatig ito ni Manila Mayor at presidential bet Isko Moreno Domagoso.
Ang Maynila ay may nakalaan na suplay para sa pagbabakuna ng mga menor de edad at mga kategorya ng grupong A1, A2 at A3.
“Kung mag-uumpisa na rin ‘yung [booster] sa mga adults… across the board ay handa namang mag-deploy ng City of Manila simultaneously sa bata, sa booster, at sa national vaccination na ginagawa ng national government,” saad ni Moreno.
“Puwede namin buhayin yun 24/7 vaccination center,” dagdag niya.
Ang siyudad ng Maynila ay kasalukuyang nagpapakalat ng mga bakuna sa mga komunidad (mga ospital, mall, paaralan) at mga sentrong pangkalusugan ng distrito. Pananatilihin nito ang “open policy” para sa booster shots, ani Moreno, na tumutukoy sa desisyon ng kapitolyo na bakunahan ang lahat ng Pilipino, saan man sila nakatira.
Nitong Disyembre 5, lumampas ang Maynila sa 130.48 porsiyentong marka ng target nito para sa kumpletong pagbabakuna, habang 156,571 dosis ang ibinibigay para sa mga menor-de-edad na 12 at 17.
134