27M PINOY BABAKUNAHAN NGAYONG AGOSTO

TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.

Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., siya ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino kada linggo sa natitirang tatlong linggo o 15 milyon sa katapusan ng Agosto.

As of Aug. may kabuuang 12,282,006 indibidwal o 17.19 porsiyento ng eligible target population ng bansa na ang fully vaccinated.

“Hopefully ma-breach natin ang 27 million [second dose] so more or less sa computation namin, if we’re able to breach five million per week, makukuha natin ang 15 million ngayong August,” ani Galvez.

Gayundin, may kabuuang 4,395,263 indibidwal naman ang nakatanggap ng kanilang first dose. Ang kabuuang bilang ng nabakunahan naman simula Marso 1 ay 26,677,269.

Ang pahayag na ito ni Galvez ay makaraang personal na saksihan ang pagdating sa bansa ng 575,800 doses ng AstraZeneca vaccines na binili sa pamamagitan ng trilateral agreement kabilang na rito ang national government, private sector na nagsilbing kinatawan ng Go Negosyo Foundation, at British-Swedish pharmaceutical company.

Samantala, ang karagdagang 15,000 doses ng Sputnik V mula Russia ay dumating din sa bansa kahapon ng alas-4 ng hapon.

Ang mga biniling bakuna sa pamamagitan ng private sector-led “Dose of Hope”, ay naunang dineliver via China Airlines flight CI 701 na bumaba sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Lungsod Pasay at dumating sa bansa dakong alas-9 ng umaga. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment