3 SUGATAN SA TWIN EXPLOSION SA BASILAN

BASILAN – Tatlo katao ang iniulat na nasugatan sa nangyaring dalawang magkahiwalay na pagsabog sa Isabela City sa lalawigang ito.

Unang naalarma ang mga residente sa unang pagsabog bandang alas-5:45 ng hapon noong Lunes sa isang branch ng Jollibee sa Barangay Isabela City Proper at sinundan ng ikalawang pagsabog bandang alas-6:16 ng gabi sa loob ng D’ Biel bus terminal.

Subalit agad na nilinaw ni  Maj. Andrew  Linao, spokesman ng AFP Western Mindanao Command, nabatid na ito ay sanhi ng faulty wiring at wala namang nasaktan.

Habang ang pagsabog naman sa D’ Biel bus terminal sa Valderosa Street, Brgy. La Piedad, Isabela City, Basilan ay kasalukuyang tinutukoy ang uri ng pampasabog na ginamit na ikinasugat ng isang Evangeline Gudilla Francisco, storekeeper sa loob ng bus terminal, na itinakbo sa Basilan General Hospital matapos na mahagip  ng debris  mula sa  bumagsak na kisame.

Ayon naman sa Isabela City Risk Reduction and Management Office, isang babaeng vendor at dalawang security guard na nagpapatrol sa bus terminal ang nasugatan dahil sa pagsabog. (JESSE KABEL)

213

Related posts

Leave a Comment