APRUBADO na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang three-term school calendar sa public schools simula School Year 2026–2027.
Mula sa apat na quarter, gagawin na itong tatlong termino para maiwasan ang siksik na schedule at mapabuti ang daloy ng pagkatuto.
Inatasan ang Department of Education (DepEd) na ihanda ang implementasyon habang mananatili ang 180 araw ng klase.
Layunin ng bagong setup na pahabain ang uninterrupted learning time, ayusin ang pacing ng lessons, at magbigay ng mas maayos na assessment periods.
Magkakaroon din ng nakalaang oras para sa training at wellness ng mga guro upang mabawasan ang workload.
Ayon sa pamahalaan, bahagi ito ng mas malawak na reporma para palakasin ang kalidad ng edukasyon sa bansa.
(CHRISTIAN DALE)
49 