CRISIS COMMITTEE IPINOPORMA NA

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbuo ng crisis committee para bantayan ang oil supply at protektahan ang consumers.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, tututok ang grupo sa supply chains at availability ng fuel at pangunahing bilihin.

Nilinaw ng Palasyo na wala pang oil crisis sa bansa dahil sapat pa ang suplay.

Gayunman, aminado ang gobyerno na patuloy ang banta ng “supply disruption” kaya tuloy ang negosasyon para sa dagdag na 440,000 barrels at inaasahang 600,000 barrels na imports.

Ipinaliwanag din ng Malakanyang na ang presyo ng langis ay nakabatay sa international market sa ilalim ng Oil Deregulation Law, kaya hindi direktang makokontrol ng gobyerno ang pump prices.

Binigyang-diin na maaari namang umaksyon ang regulators laban sa pang-aabuso.

Nanawagan naman ang Pangulo sa publiko na huwag magpakalat ng fake news at makiisa sa pagtitipid.

“Ngayon ang panahon para magtulungan,” ani Marcos.

(CHRISTIAN DALE)

68

Related posts

Leave a Comment