400 BALIKBAYAN BOXES IRE-RELEASE NA NG BOC-MICP

Bilang pangako na mapadali ang kalakalan at bahagi ng kanilang social responsibility, tuluyang ini-release ng Bureau of Customs – Manila International Container Port (MICP) ang may 400 Balikbayan boxes na nasa kanilang pag-iingat.

Sa pamamagitan ng tulong ng MICP, mabilis na naproseso ng Door-to-Door Consolidators Association of the Philippines (DDCAP) at ATLAS Shippers Manila ang pag-release ng Balikbayan Boxes na orihinal prinoseso ng CMG International Movers & Cargo Services (CMG).

Inamin ng BOC na apektado rin ng pandemya ng COVID – 19 maging ang pag­release ng mga Balikbayan boxes.

Tinatayang aabot sa 400 balikbayan boxes ang inabandona at apektado ng lockdown na kung saan ay pinigilan ang delivery na ina­asahan ng mga pamilya ng OFWs.

Pero sa pamamagitan ng close coordination ng MICP at DDCAP, ang nasabing balikbayan boxes ay prinoseso at ini-released ng Bureau of Customs (BOC) at inihatid sa ATLAS Shippers facility sa Las Piñas.

Para naman sa bahagi ng DDCAP sa pamamagitan ng ATLAS shippers ay nangako silang idi-deliber ang mga boxes sa mga address sa loob ng tatlong Linggo.

Sa pahayag ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero tiniyak niya ang patuloy na pagtutulak ng Bureau na mapadali ang shipments lalo na ang balikbayan boxes.

“We understand the value of these shipments to the OFWs and their families, the bureau will do its part to expeditiously release these shipments” , ani Guerrero.

Kaugnay nito, kinilala ni MICP District Collector Romeo R. Rosales ang kalagayan ng OFWs at kanilang mga pamilya.

Nagpasalamat din si Rosales sa DDCAP at ATLAS Shippers para sa kanilang suporta sa pagtitiyak sa delivery ng boxes.

Ngayong ang bansa ay patuloy na nagrerekober mula sa COVID-19, ang MICP sa ilalim ng pamumuno ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatili ang kanilang pangako sa pagbibigay ng premium service sa stakeholders bilang bahagi ng kanilang mandato sa pagpapadali ng kalakalan.
(Joel O. Amongo)

132

Related posts

Leave a Comment