NAKAPAGTALA ng limang namatay sa COVID-19 ang Malabon City noong Agosto 4 kaya umakyat sa 474 ang death toll ng lungsod at 87 naman ang nadagdag sa mga positibo sa nasabing sakit, ayon sa City Health Department.
Sa kabuuan ay 14,474 na ang positive cases sa Malabon, 611 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Acacia (1), Baritan (4), Catmon (10), Dampalit (17), Flores (1), Hulong Duhat (16), Ibaba (3), Longos (11), Niugan (1), Panghulo (1), San Agustin (7), Santulan (6), Tinajeros (3), Tonsuya (1), at Tugatog (5).
Habang limang pasyente naman ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Longos (1), Potrero (2), at Tugatog (2). Sa kabuuan ay nasa 13,389 ang recovered patients ng siyudad.
Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Concepcion at Ibaba dahil dalawa sa mga ito ang muling nagkaroon ng COVID-19.
Samantala, upang mapigilan ang pagdagsa ng mga tao, inihayag ng pamahalaang lungsod na walang isasagawang walk-in vaccination sa lahat ng vaccination sites sa lungsod. (ALAIN AJERO)
389 