5 DURUGISTA ISINELDA

ARESTADO ang limang umano’y durugista makaraang makumpiskahan ng mahigit P100,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Herly Padolina alyas “Negy”, 41; Erica Peñalosa alyas “Tapeng”, 31; Hasmen Eredia alyas “Jhazz”, 36; Mark Ronillo Marcaba alyas “Epoy”, 40, at Gilbert Habana alyas “Dodong”, 34.

Ayon sa ulat, ala-1:25 ng madaling araw nang isagawa ang buy-bust operation sa Pampano St., Brgy. Longos.

Isang undercover police ang umiskor kina Padolina at Peñalosa ng P500 halaga ng shabu at nang magkaabutan ng droga at marked money ay inaresto ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 16.8 gramo ng shabu na may presyong P114,240, at buy-bust money. (ALAIN AJERO)

141

Related posts

Leave a Comment