5 HVT PATAY SA PNP OPS SA SULTAN KUDARAT

LIMANG itinuturing na most wanted at notorious drug personalities ang napaslang ng mga tauhan ng Philippine National Police sa isinagawang law enforcement operation sa Sitio Mapayag,  Lambayong, Sultan Kudarat.

Ayon sa ulat, nasa limang  high value target ang napatay sa isinagawang police operation noong nakalipas na linggo.

Ayon kay Maj. Jenahmeel Tonacao, ng Lambayong PNP, isang joint law enforcement operation ang inilunsad ng magkasanib pwersa mula sa Lambayong MPS, PDEA12, Sultan Kudarat Police Drug Enforcement Unit (KPDEU), 1st Sultan Kudarat Police Mobile Force Company (KPMFC), Regional Special Operation Group (RSOG), Regional Intelligence Division, 1202nd Regional Mobile Force Battalion 12, SK HPT, 43RD SAC PNP SAF at 14MICO

Sinasabing nasa aktong magsisilbi ng warrant ang raiding team nang bigla silang paputukan ng mga suspek na target ng  police operation kaya’t nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Target ng nasabing operation ang mga most wanted person na sina Adhen Salbo, Loy Salbo at apat na iba pa. (JESSE KABEL)

183

Related posts

Leave a Comment