BUNSOD nang patuloy na magandang sitwasyon sa COVID-19 ng Quezon City, nakapagtala ito ng “positivity rate” na umabot ng 5%, ang ideal rate ayon sa World Health Organization (WHO).
Ayon sa OCTA Research Group, ang city’s positivity rate na dating 6% simula noong Hunyo 22-28 ay nakaabot na sa standard rate at mas maganda kung ikukumpara sa NCR rate na 6%.
“This is good news for us. We were at 5% a week before the surge happened last February and March. This means that our cases and transmissions are well-monitored and controlled. We hope that this positivity rate shall continue to dip down in the coming weeks,” ani Mayor Joy Belmonte.
Iniulat din ng OCTA na ang “average number of cases per day” sa siyudad ay bumaba na sa 123, mula sa 141 cases noong nakaraang Linggo.
Ang reproduction number ay .86, habang ang average daily attack rate per 100,000 ay 3.91.
Ibinahagi pa ni Dr. Guido David, OCTA Research Fellow, ang mga kaso sa QC ay patuloy na nananatili sa “steady trend” kasama ng iba pang mga siyudad sa Metro Manila.
Ang lungsod ay nananatili sa kanilang pagmamatyag sa pamamagitan ng laganap na testing at agresibong contact tracing. Noong Hulyo 4-10, ang siyudad ay nagsagawa ng 4181 PCR tests per day, habang ang contact tracing rate o ang bilang contacts traced per positive ay kasalukuyang nasa 28.3.
Kaugnay nito, ang Quezon City government ay mayroon nang “delta-variant response plan” sa sandaling dumating sa siyudad ang bagong variant ng COVID-19. (JOEL O. AMONGO)
138 