MAGPAPAKALAT ang Philippine National Police ng 50,000 pulis sa buong bansa kaugnay ng nakaambang tigil-pasada ng grupong MANIBELA at mga kaalyado nito sa Huwebes at Biyernes.
Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, bahagi ito ng security template upang matiyak ang kaayusan at kaligtasan ng publiko sa gitna ng protesta.
Paliwanag niya, may mga naitalang tensyon sa mga nakaraang tigil-pasada kung saan may mga tsuper na pinipilit o hinaharang ng kapwa driver na huwag bumiyahe.
Kasabay nito, naghanda rin ang PNP ng libreng sakay para sa mga pasaherong maaapektuhan.
(TOTO NABAJA)
57 