’18 BAGMEN’ KINASUHAN NI TRILLANES SA DOJ

NAGSAMPA ng cyberlibel complaint sa Department of Justice (DOJ) si dating senador Antonio Trillanes IV laban sa 18 indibidwal na nagpakilalang dating sundalo at bagmen ng dating mambabatas na si Zaldy Co.

Kaugnay ito sa alegasyon na tumanggap umano siya ng pera para sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Trillanes, bahagi ng paninira ang naturang akusasyon at isinama rin sa reklamo ang ilang vlogger at host ng isang news TV station.

Dagdag pa niya, may ilang indibidwal na lumapit sa kanya at nagsabing inalok silang mag-imbento ng alegasyon kapalit ng pera ngunit tinanggihan nila ito.

Iginiit ni Trillanes na magpapatuloy siya sa paghahain ng kaso laban sa mga magpapakalat ng maling paratang laban sa kanya.

(JULIET PACOT)

87

Related posts

Leave a Comment