56% TARGET POPULATION SA QC, BAKUNADO NA

UMABOT na  sa 2,588,035 doses ng bakuna ang naiturok ng #QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng kanilang healthcare workers, staff at volunteers.

Umabot na sa 1,728,231 o 101.66% ng 1.7 million na target adult population ang nabakunahan na ng first dose, habang 859,804 o 53.53% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, 953,534 o 56.09% ng target adult population ang maituturing na fully vaccinated. Kabilang na rito ang mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen. Malaking bagay ito lalo na ngayong may Delta variant.

Kasabay nito, hinihikayat ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna.

Bisitahin lang ang https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Abangan ang iba pang anunsyo dito sa kanilang Facebook page o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.(JOEL O. AMONGO)

198

Related posts

Leave a Comment