PINAGPAPALIWANAG ng Commission on Elections ang anim na senatorial bet at 34 na party-list group sa ilegal na pagpapaskil ng campaign materials.
Ayon sa Comelec, naglabas na ng show cause order ang komisyon at hinihintay na lamang nila ang sagot ng 40 kandidato.
Sinabi ni Atty. John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, na kailangang mapatunayan ng mga ito na hindi sila dapat masampahan ng kasong kriminal o paglabag sa Fair Elections Act.
Dagdag pa ni Laudiangco, mayroon nang ilang nagsumite ng tugon na ngayo’y pinag-aaralan na ng Comelec.
Isa hanggang anim na taong pagkakabilanggo ang naghihintay sa mga mapatutunayang lumabag sa Fair Elections Act.
Matatanggalan din ito ng pagkakataong bumoto, bukod pa sa perpetual disqualification to hold public office at disqualification case. (JOCELYN DOMENDEN)
