NI ROSE PULGAR)
PAUWI na ng Pilipinas ang pitong Pinoy seafares na nakulong sa Libya ng apat na taon nang magtangkang magpuslit ng 16 milyong litro ng gasolina.
Ayon sa report ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pitong crew members ng M/T Levante ay nakaalis na ng Tripoli kasama ang Presidential Adviser ng Overseas FIlipino Workers Affaits na si Abdullah Mamao at pabalik na ng bansa.
Lumipad si Mamao patungo sa Libya nang atasan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro L. Locsin Jr upang personal na magpasalamat sa Libyan authorities at maiuwi pabalik ng Pilipinas ang pitong Pinoy seafarers.
Kaya’t anumang araw at oras ay makakabalik na ng Pilipinas ang pitong Pinoy at makakapiling na nila ang kani -kanilang pamilya.
Pebrero 28 nang taong kasalukuyan ipinag-utos ng Libyan High Court na makalaya na ang pitong Pinoy.
Kabilang ang pito sa 20 Pilipino na hawak ng pamahalaan ng Libya at noong buwan ng Pebrero nakaraang taon, pinakawalan ng mga otoridad ang 13 crew members ngunit naiwan ang pito.
Mula noon ay patuloy na nagtrabaho ang DFA at ang Philippine Embassy sa Tripoli upang humanap ng paraan upang makawala ang pito na mariing itinatanggi ang bintang.
Malugod na nagpasalamat si Locsin sa Libyan authorities para sa pagpapalaya sa pito.
Kabilang si Locsin sa mga nag-apela upang mapalaya ang pito kasama si Labor Secretary Silvestre Bello III at si Secretary Mamao.
Ito’y matapos matanggap ni Secretary Locsin ang acquittal sa pitong pinoy seafarers na nakulong sa Libya simula noong taong 2017 kung saan nasentensiyahan sila ng apat na taong pagkabilanggo dahil umano sa tangkang pag puslit ng 16 million litters na gasolina.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang Kalihim sa mga awtoridad sa Libya sa pagpapalabas ng kautusan para sa pagpapalaya sa pitong Pinoy seaferer.
