UMABOT na sa 78 porsyento ng kabuuang target population ng Quezon City ang ‘fully vaccinated’ o nakatanggap na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccines.
Sa huling datos ng QC LGU, nabatid na 2,987,968 doses ng bakuna ang naiturok na sa QCProtekTODO Vaccination Program sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.
Sa mahigit 2.9 million doses ng bakuna, 1,754,345 o 103.20% ang nabakunahan na ng first dose, samantalang 1,233,623 o 76.80% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.
Sa kabuuan, 1,327,353 o 78.08% ng target adult population ang maituturing na fully vaccinated na kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.
Samantala, nagbukas naman ng 37, 000 slots ang QC Government para sa mga hindi pa nakatatanggap ng kanilang first dose.
Sa mga gustong magpabakuna, maaari nang mag-book online sa QC Vax Easy para makakuha ng schedule. (LILY REYES)
170
