8 NATIONS JOINT MARITIME ACTIVITY, TAGUMPAY; CHINA WARSHIP BUMUNTOT SA FORMATION

MATAGUMPAY na naidaos ng walong bansa, kabilang ang Pilipinas, ang Joint Maritime Security Cooperative Activity sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS), kasabay ng iniulat na pagkabigo ng isang routine Rotation and Resupply (RoRe) mission ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Ayungin Shoal. Sama-samang naglayag sa formation sa WPS ang mga naval vessel ng Pilipinas at pitong iba pang bansa bilang bahagi ng joint maritime exercise, ayon sa Philippine Navy. Ayon sa Philippine Navy Public Affairs Office, bahagi ang aktibidad ng ASEAN Defense Ministers’ Meeting-Plus Experts’ Working Group…

Read More

PNP MULING NAGPATUPAD NG BALASAHAN; PMGEN. MARANAN, UUPONG NO. 4 MAN

pulis

KASUNOD ng pagreretiro ngayong Biyernes ni PLtGen. Banac, muling nagpatupad ng balasahan sa matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP). Epektibo ngayong araw ang bagong mga assignment batay sa General Orders na nilagdaan ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. Itinalaga si PLtGen. Wilson Joseph Lopez bilang bagong Deputy Chief PNP for Administration, habang si PLtGen. Neri Vincent Ignacio, na dating The Chief of Directorial Staff (TCDS) ng PNP, ay inilipat bilang Deputy Chief PNP for Operations, kapalit ni Lopez. Samantala, uupo bilang No. 4 man ng PNP…

Read More

RODRIGUEZ, FRANCISCO UMAPELA SA KORTE SUPREMA SA IMPEACHMENT VOTING THRESHOLD

INAKYAT sa Korte Suprema ni dating Executive Secretary Atty. Victor D. Rodriguez ang usapin sa bilang ng mga botong kailangan para ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kanyang impeachment trial. Sa 24-page petition for certiorari and prohibition, hiniling ni Rodriguez na ipawalang-bisa ang September 23 ruling ng Senate Impeachment Court na ibatay ang two-thirds vote sa mga senador na legal at aktuwal na may kakayahang lumahok sa proceedings. Iginiit ni Rodriguez na sa ilalim ng 1987 Constitution, ang two-thirds requirement ay dapat ibatay sa buong 24 miyembro ng Senado,…

Read More

NOMINASYON NI DUEÑAS, TINALAKAY SA SENATE FOREIGN AFFAIRS COMMITTEE

DUMALO si Senator Panfilo “Ping” Lacson, kasama ang iba pang mga senador at si Marikina City Representative Marcelino “Marcy” Teodoro, sa pagpupulong ng Senate Committee on Foreign Affairs sa Senado sa Pasay City nitong Biyernes, Setyembre 25, 2026. Tinalakay ng komite ang nominasyon ni Renato Ner Dueñas Jr. bilang Chief of Mission, Class II, at Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary sa Negara Brunei Darussalam. (DANNY BACOLOD) 126

Read More

PHILSA NAGBABALA KONTRA ROCKET DEBRIS MULA SA CHINA

MULING nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa mga residente ng coastal communities kaugnay ng posibleng pagbagsak ng rocket debris mula sa rocket na inilunsad ng China. Pinayuhan ng PhilSA ang mga residente sa coastal communities na agad ireport sa lokal na awtoridad ang anumang hinihinalang debris matapos makumpirma ang paglulunsad ng China sa Long March 8A rocket nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa PhilSA, inilunsad ang rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, bandang alas-9:33 ng gabi, Philippine time. Batay sa scientific calculations ng ahensya,…

Read More

MATUGAS ITINUTULAK NATIONAL LAND USE ACT, IKINATUWA AKSYON NG SENADO

ITINUTULAK ni Surigao del Norte 1st District Representative Francisco “Lalo” Matugas ang pagpasa ng National Land Use Act (NLUA), kasabay ng pagtanggap sa patuloy na pagtalakay ng Senado sa panukalang ilang dekada nang isinusulong sa Kongreso. Si Rep. Francisco “Lalo” Matugas, chairman ng House Special Committee on Land Use at principal author ng House Bill No. 8466, ay nagsabing pagkakataon ang deliberasyon ng Senado upang higit pang mapahusay ang panukalang pambansang balangkas sa paggamit ng lupa. “Lubos nating pinahahalagahan ang seryosong pagtalakay ng Senado sa matagal nang panukalang ito. May…

Read More

PADILLA, DUMALO SA PI; PNP-CIDG PINAGSUSUMITE NG DAGDAG NA DOKUMENTO

DUMALO si Senator Robin Padilla sa unang preliminary investigation (PI) sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng reklamong obstruction of justice laban sa kanya at iba pang respondents. Sa pagdinig, nakita ng prosecution panel na may mga kulang pang dokumento mula sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG). Dahil dito, pinagsusumite muna ng prosekusyon ang mga awtoridad ng karagdagang dokumento at requirements bago ituloy ang susunod na hakbang sa preliminary investigation. Itinakda sa Oktubre 9 ang susunod na PI, ngunit sinabi na hindi na umano personal na dadalo…

Read More

BOTOHAN SA IMPEACHMENT NAPAGPASYAHAN NA

RAPIDO ni PATRICK TULFO NAGBOTOHAN na ang mga senador hinggil sa mainit na isyu ng conviction at acquittal sa ginaganap impeachment trial laban kay VP Sara Duterte. Sa nangyaring botohan kahapon, labingtatlo ang bumoto sa pagpayag na babaan ang kinakailangan na boto upang ma-convict ang nasasakdal, anim ang hindi bumoto na karamihan ay miyembro ng minorya, at isa ang tumutol sa katauhan ni Presiding officer and Judge Sen. Chiz Escudero. At bilang pagkilala sa nasusulat sa ating saligang batas, ay hindi binago ang nakasaad dito, kung saan ay kinakailangan pa…

Read More

BATAS NA MAHIRAP IPASA NG MGA DINASTIYA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAPAPANAHON ang panawagan para sa isang tunay at epektibong batas laban sa political dynasties. Sa loob ng 39 taon mula nang pagtibayin ang 1987 Constitution, nananatiling walang malinaw na enabling law na magtatakda kung paano ipatutupad ang probisyong naglalayong pigilan ang monopolyo ng mga political clan sa kapangyarihan. Kaya mahalaga ang naging pahayag ng Supreme Court na dapat nang kumilos ang Kongreso upang tuparin ang mandatong ito. Ngunit hindi ito magiging madali. Ang pag-atas ng Korte Suprema sa Kongreso na magpasa ng anti-political dynasty law ay…

Read More