85% NG PINOY TAKOT MA-COVID

HALOS siyam sa bawat sampung Filipino ang nangangamba sa posibilidad na tamaan ng coronavirus disease ang sinumang miyembro ng kanilang mga pamilya.

Ito ang nabatid sa isinagawang pag-aaral hinggil sa nangyayaring pandemda sa nasabing nakahahawang sakit.

Ayon sa sinagawang pag-aaral ng Social Weather Station, 85 porsyento ng mga Pinoy ang nangangamba na mahawahan ang kanilang pamilya ng COVID-19.

Sa inilabas na resulta ng SWS survey nitong Huwebes, nabatid na 1,555 adult Filipino ang sumailalim sa pagtatanong ng SWS at 85 percent nito ang nagsasabing natatakot sila na baka  mahawahan ang kanilang immediate family ng nasabing sakit.

Base sa datos na inilabas ng SWS, nabatid na 67 porsyento ang nagsasabing “they worry a great deal,” at 18 porsyento naman ang nagpahayag ng “they were somewhat worried.”

Isinagawa ang nasabing survey noong unang linggo nitong Hulyo habang maraming lugar ang nasa ilalim ng moderate general community quarantine (MGCQ)

Ginawa ito sa pamamagitan ng mobile phones at computer-assisted calls. Sa period na ito ay bahagyang bumaba ang bilang ng mga nagsasabing natatakot sila mula sa 87 porsyento noong buwan ng Mayo.

“Compared to past surveys, worry about catching the COVID-19 is greater than worries about catching previous viruses such as Ebola, Swine Flu, Bird Flu, and Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS),” pahayag pa ng independent survey group. (JESSE KABEL)

245

Related posts

Leave a Comment