9 KATAO BINITBIT SA SUGAL SA BASECO

SIYAM katao ang nadakip sa ilegal na sugal sa ikinasang magkakahiwalay na operasyon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), sa pamumuno ni Director P/BGen Leo “Paco” Francisco, sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Ito ay kaugnay sa “no take policy” sa hanay ng pulisya na iniutos ni NCRPO Regional Director P/Major Gen. Vicente Danao Jr.

Unang iniulat ang pagdakip sa lima katao dahil sa ilegal na STL habang apat katao ang natiyempuhan habang naglalaro ng cara y cruz.

Nabatid kay P/Lt. Col. Robert Domingo, commander ng MPD-Station 13, nagpursige sila na linisin ang kanyang nasasakupan, ayon sa utos na ipinalabas ni Major General Danao kontra sa ilegal na sugal, partikular sa NCR.

Iniutos naman ni P/BGen. Francisco ang patuloy na pagsasagawa ng Oplan Galugad at intelligence driven operation laban sa ilegal na sugal.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 (illegal gambling). (RENE CRISOSTOMO)

336

Related posts

Leave a Comment