UMABOT sa lima ang naitalang namatay sa COVID-19 sa lungsod ng Navotas at habang apat naman sa Valenzuela City, ayon sa ulat ng kanilang health office.
Hanggang 11:59 pm noong Setyembre 2 ay 451 na ang COVID death toll sa Navotas habang 1,811 ang active cases matapos na 71 ang nagpositibo sa virus at 90 naman ang gumaling. Pumalo na sa 15,022 ang tinamaan ng COVID sa lungsod at 12,760 na sa kanila ang gumaling.
Ayon naman sa Malabon City Health Department, 180 ang nadagdag na confirmed cases noong Setyembre 3. Sa kabuuan ay 17,686 ang positive cases sa lungsod, 1,019 dito ang active cases.
Sa kabilang banda, 133 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 16,111 ang recovered patients ng siyudad.
Nagkaroon ng pagbabago sa datos ng mga gumaling sa Barangay Baritan dahil muling nagkaroon ng COVID-19 ang isa sa mga ito. Mula sa 833 ay magiging 832 na lamang ang mga gumaling sa Barangay Baritan.
Mapalad namang nananatiling 556 ang COVID casualties ng Malabon matapos na walang naiulat na namatay.
Samantala, ayon sa Valenzuela City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit, hanggang 8 pm noong Setyembre 3 ay 644 na ang naitalang namatay dahil sa COVID 19 sa lungsod makaraang madagdagan ng apat na binawian ng buhay.
Pumalo naman sa 1,627 ang active cases matapos na 270 ang makarekober ngunit 318 naman ang nagpositibo sa virus.
Umabot na sa 27,834 ang confirmed COVID cases sa siyudad, at sa nasabing bilang ay 25,563 na ang gumaling. (ALAIN AJERO)
153 