CAVITE – Patay ang driver ng ten-wheeler wing van nang umano’y mawalan ng ulirat habang nagmamaneho at bumangga sa isang nakaparadang closed van sa gilid ng kalsada sa Imus City noong Miyerkoles ng umaga.
Naisugod pa sa South Imus Specialist Hospital ang biktimang si Seminiano Mark Delfin, 39, ng Talavera, Nueva Ecija subalit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Alfredo Dela Cruz, Jr. ng Imus City Police, minamaneho ng biktima ang ten-wheeler wing van na may plakang NBO 5877, at binabagtas ang Aguinaldo Highway sakop ng Brgy. Anabu 2A, Imus City.
Ngunit nawalan umano ito ng ulirat dahilan upang bumangga sa isang nakaparadang Isuzu Traviz na may plakang NGR 7438, na nakaparada sa gilid ng nasabing kalsada dakong alas-5:30 ng umaga.
(SIGFRED ADSUARA)
240