PUNA ni JOEL O. AMONGO SA isang demokratikong lipunan, ang batas ay dapat na pantay ang pagtingin sa lahat. Hindi ito dapat kumikiling sa may kapangyarihan o naninindak sa mga kritiko ng pamahalaan. Ngunit sa kasalukuyan, lumalakas ang tinig ng mga nagsasabing tila umiiral ang tinatawag na “selective justice”—isang sitwasyon kung saan ang pagpapatupad ng batas ay pinaghihinalaang mas mabigat laban sa mga nasa oposisyon at sa mga nagsisiwalat ng umano’y katiwalian. Marami ang nagtatanong kung bakit tila mabilis ang pagkilos ng ilang ahensya kapag ang iniimbestigahan ay mga personalidad…
Read MoreDay: August 3, 2026
PNP DETERMINADONG SOLUSYONAN ANG PABAGO-BAGONG SECURITY THREAT SA BANSA
KURDAPYO DETERMINADO talaga itong si PNP Chief Jose Melencio Nartatez Jr. na solusyonan ang mga bantang panseguridad, matapos pangunahan ang closing ceremony ng “IED Threat and Security Symposium” sa Boracay. Ka-Toto, tinalakay sa symposium ang banta na may kinalaman sa iba’t bang security threat kabilang na ang Improvised Explosive Device (IED). Layon sa nasabing symposium, mga Kurdapyo, ay ang pagpapalakas ng technical knowledge sa IED identification, analysis at investigation. Nitong Hulyo 31, araw ng Biyernes, ay nagtapos ang nasabing symposium na dinaluhan ng 55 mga kalahok at ng ilang foreign…
Read MoreKarahasan sa Paaralan: Ligtas pa ba ang mga Mag-aaral?
At Your Service Ni Ka Francis ISA na namang malungkot na yugto ang bumalot sa bansa matapos ang magkahiwalay na insidente ng karahasan sa loob ng mga paaralan na nagdulot ng pagkasawi ng mga kabataang dapat sana’y abala lamang sa pag-aaral at pangangarap. Sa San Jose National High School sa Tacloban City, Leyte, tatlong estudyante ang nasawi at pito ang nasugatan matapos ang isang pamamaril noong umaga ng Hunyo 22. Samantala, isang Grade 9 student naman ang nasawi matapos saksakin sa loob mismo ng Las Piñas National High School. Ang…
Read MoreWASTE TO ENERGY PROGRAM NG MALOLOS NAIS I-ADOPT NG MMDA
PERSONAL na binisita kamakailan ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III si City of Malolos Mayor Atty. Christian Natividad upang makipag-ugnayan sa kanilang mga makabuluhang programang makatutulong sa bansa. Nabatid na nais alamin ni Gen. Torre ang ginagawang pamamaraan ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pagtugon sa problema sa basura kung saan ginagawa itong renewable energy. “May isa sa pinakamagandang flagship program si Mayor Natividad sa Malolos, itong waste to energy, tinitingnan namin kung papaano ba itong basura ay nagiging energy pa at hindi nagiging problema,”…
Read MoreMOTOR SUMALPOK SA PUNO; ANGKAS PATAY, DRIVER SUGATAN
NASAWI ang babaeng backrider habang sugatan ang babaeng driver nang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang puno habang binabagtas ang kahabaan ng E. Aguinaldo Highway, Brgy. Biga II, Silang, Cavite noong Linggo ng madaling araw. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center ang biktimang si alyas “Sonia”, 53, may asawa, ng Brgy. Zone 1, Dasmariñas City, Cavite ngunit namatay habang nilalapatan ng lunas dahil sa matinding sugat sa katawan. Nilalapatan naman ng lunas sa nasabing ospital ang driver ng motorsiklong Yamaha Mio M3, residente ng San Rafael, Tarlac City dahil…
Read MoreMEKANIKO INABANGAN BINARIL, PATAY
PATAY ang isang 32-anyos na mekaniko nang pagbabarilin ng isang lalaki na nag-abang sa pagdating nito sa sa Dasmariñas City, Cavite noong Linggo ng umaga. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Ramir” ng Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa tama ng bala sa kanyang katawan. Nakilala naman ng isang saksi ang suspek na si alyas “John” na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklong Honda Click 150 at binabagtas ang kahabaan ng Zone 5, Brgy. Sampaloc 4, Dasmariñas City makaraang…
Read MoreBARBERS: TESTIMONYA NI COA AUDITOR WAMIL, NAGPATIBAY SA KASO LABAN KAY VP SARA
PARA kay House prosecution panel adviser at spokesperson Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, pinagtibay ng testimonya ni dating Commission on Audit (COA) State Auditor Roderick Wamil ang kaso ng prosekusyon sa ilalim ng Article I ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. Ayon kay Barbers, ipinakita ng testimonya ni Wamil na may mga iregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd). Binigyang-diin ni Barbers na bagama’t maaaring manatiling kumpidensiyal ang layunin ng confidential funds,…
Read MoreLIQUIDATION NG P125-M CONFIDENTIAL FUNDS, PIRMADO NI VP SARA – COA WITNESS
KINUMPIRMA ni Commission on Audit (COA) State Auditor Roderick Wamil na nilagdaan ni Vice President Sara Duterte ang liquidation report kaugnay ng P125 milyong confidential funds na natanggap ng Office of the Vice President (OVP). Sa pagpapatuloy ng impeachment trial, kinilala ni Wamil ang pirma ni Duterte sa disbursement voucher, accomplishment report, at OVP certification na iniharap ng House prosecution panel bilang ebidensiya sa Article I ng Articles of Impeachment. Ayon kay Wamil, sa pamamagitan ng kanyang lagda ay pinagtibay ni Duterte ang legalidad ng cash advance at ng mga…
Read MoreLINE WORKERS BINIGYANG-PUGAY NG LIDERATO NG KAMARA
NAGBIGAY-PUGAY si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III sa mga line worker sa pagdiriwang ng National Line Workers Appreciation Day. Sa mensaheng inihatid ni Senior Deputy Speaker at South Cotabato Rep. Ferdinand Hernandez, pinasalamatan ni Dy ang mga line worker sa kanilang mahalagang papel sa pagpapanatili ng tuloy-tuloy na suplay ng kuryente sa bansa. “Salamat sa pagpapanatiling bukas ng ilaw sa ating bansa,” ani Dy. Binigyang-diin ng House Speaker na ang maaasahan at tuloy-tuloy na suplay ng kuryente ay mahalaga sa imprastruktura, edukasyon, kalusugan, negosyo, at kabuhayan ng mga Pilipino.…
Read More