NEW BARANGAY EXECS DAPAT MAGING MABUTING LIDER

BINIGYANG-DIIN ang responsibilidad na haharapin sa public office, ipinaalala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa bagong proklamang barangay officials na magpakita ng magandang mga katangian ng mabuting lider sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Kung ano ang tama, gawin natin. Leadership is not about power. Leadership is about responsibility. It is about service to the public,” pahayag ni Abalos sa isinagawang Alay sa Masa oath-taking ceremony ng newly-elected barangay officials sa Quirino Province noong Sabado, Nobyembre 4.

Pagpapatuloy niya, ang kailangan ng bansa sa kasalukuyan ay mga lider na may pananaw at integridad na maaaring maging inspirasyon at magbubuklod-buklod sa kanilang mga komunidad.

“Kaya sa mga bagong halal, we need each of you to be a leader who has integrity, who has vision, and one who inspires and unites the community,” pahayag pa ni Abalos.

Ipinunto rin niyang ang Pilipinas ang tanging bansa sa mundo na nagpapatupad ng barangay system, na tumutupad sa ‘indispensable role’ sa paghahatid ng efficient governance at pangunahing serbisyo sa grassroots level.

“Tayo lang ang may barangay sa buong mundo. Pero napakahirap ng trabaho ninyo. Tuwing may nagkakasakit, nagkakagulo, kayo ang unang pupuntahan. Kayo ang pinili dahil mayroon kayong responsibilidad na pangalagaan ang inyong komunidad,” paliwanag pa niya.

Binanggit din ni Abalos ang ilan sa pangunahing mga tungkulin na dapat pagtuunan ng pansin ng incoming barangay officials sa kanilang termino.

Kabilang dito ang nutrition and health services sa mga ina at kanilang mga anak, accessible education, at buong suporta sa DILG sa isinasagawang holistic anti-illegal drugs campaign, ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) program.

Sa nasabing event, lumahok din ang kalihim sa pamamahagi ng P200,000 para sa “Kwarto ni Neneng” project sa Quirino Provincial Police Office.

Ang programa ay naglalayong mapigilan ang rape incidents at iba pang mga kaso ng sexual abuse sa pamamagitan ng pagbibigay ng suporta sa ‘poorest of the poor’ na ‘susceptible’ sa mga krimen.

Kabilang sa mga dumalo sa event sina Gov. Dakila Carlo “Dax” E. Cua, Senator Ronaldo “Bato” M. Dela Rosa, Representative Midy N. Cua, Philippine Charity Sweepstakes Office Chairperson Junie E. Cua, DILG Region 2 Director Agnes A. De Leon, at mga miyembro ng Quirino Sangguniang Panlalawigan.

(JESSE KABEL RUIZ)

239

Related posts

Leave a Comment